^

Punto Mo

Ang anghel mo sa lupa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG sanggol ang nagtanong sa Diyos, “Ang sabi po nila ay ipapadala mo na raw ako sa lupa bukas. Paano po ako mabubuhay doon, maliit pa lang ako?”

“May anghel na naghihintay sa iyo doon na handang ma-ngalaga sa iyo.”

Nagpatuloy sa pagtatanong ang sanggol, “Ano po kaya ang gagawin ko sa lupa? Dito ay masaya na ako dahil wala akong ginagawa kundi kumanta, ngumiti at maging masaya lang palagi.”

“Ang anghel mo ang kakanta para sa iyo upang madama mo ang kaligayahan at pagmamahal niya.”

Kinulit muli ng sanggol ang Diyos, “Paano po ako makikipag-usap sa mga tao sa lupa, hindi ko alam ang kanilang wika.”

“Sa anghel mo maririnig ang pinakamagandang salita at siya ang magtuturo sa iyo kung paano makipagkomyunikasyon.”

“Ano po ang gagawin ko kung nami-miss na kita at gusto kong makausap ka?”

“Siya ang magtuturo sa iyo kung paano pagdaupin ang dalawa mong kamay habang umuusal ka ng panalangin para sa akin.”

“Sino po ang magpoprotekta sa akin.”

“Walang iba kundi ang anghel mo pa rin hanggang sa punto na magbuwis siya ng buhay para lang sa kaligtasan mo.”

“Pero malulungkot po ako…hindi na kita makikita.”

Napangiti ang Diyos sa paglalambing ng sanggol, “Kahit lagi akong nasa tabi mo, ang iyong anghel ang magtuturo sa iyo kung paano manatiling mabuti ang iyong kalooban hanggang sa iyong pagtanda upang sa akin ka pa rin babalik pagdating ng araw ng iyong paglisan sa lupa.”

Biglang bumukas ang pintuan patungo sa lupa, senyales na kailangan na siyang umalis, kaya’t nagkukumahog na nagsalita ang sanggol, “Papa God, ano nga pala ang pangalan ng aking anghel sa lupa?”

Buong tamis na ngumiti ang Diyos, “Basta’t tatawagin mo siyang Nanay.”

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with