^

Punto Mo

Babae, panalo ng $2m matapos bilhin ang maling lotto ticket

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAS mayaman ng $2 million (katumbas ng P95 million) ang isang babae sa North Carolina, matapos siyang bumili ng lottery ticket para sa isang draw na wala naman siyang intensiyong salihan.

Gulat tuloy si Elizabeth Johnson matapos niyang malaman na napanalunan niya ang $2 million prize noong May 22 dahil ang akala niya ay para sa naunang draw ang nabili niyang ticket.

Tumaya si Johnson para sa May 19 draw ngunit hindi pala siya umabot sa 9:57 p.m. cutoff. Isang minuto lang siyang na-late pero hindi na umabot ang kanyang taya para sa nasabing petsa kaya naging para sa May 22 na draw na lang ito.

Buti na lang at naging late ang kanyang pagtaya dahil tumama ang lahat ng limang numero na kanyang tinayaan at napanalunan niya ang $1 million jackpot. Nadoble pa ang premyo dahil may “2x multiplier” rin na nabunot noong araw na iyon.

Noong una raw na malaman niyang tinamaan niya ang jackpot prize ng May 22 draw ay gulat na gulat si Johnson dahil ang pagkaalam niya, hindi naman siya tumaya para sa araw na iyon.

Nakuha na ni Johnson ang kanyang premyo noong nakaraang Huwebes (Mayo 27). Nag-uwi siya ng nasa $1.4 million (katumbas ng P67 million) matapos siyang bawasin mula sa premyo ang kaukulang federal at state taxes.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with