^

Punto Mo

Lalaki sa India, inaresto matapos paliparin ang alagang aso gamit ang mga lobo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa kagustuhan na makapag-post ng kakaibang content sa kanyang Youtube channel, isang lalaki sa New Delhi, India ang nagpalipad ng kanyang aso sa pamamagitan ng pagtali nito sa balloons!

Tinuligsa ng Indian netizens ang Youtube video ni Gaurav Sharma, 32, kung saan nakita na itinali niya ang alagang Pomeranian na si Dollar sa 10 balloons.

Habang lumilipad sa ere si Dollar, kitang-kita na humampas ito sa isang balkonahe ng isang apartment kaya agad itong sinagip ng babaing nakatira roon.

Matinding pangba-bash ang natanggap ni Sharma mula sa mga netizens kaya agad niyang binura ang video sa kanyang Youtube channel na may mahigit 4 million subscribers.

Dahil sa ginawa niya sa kanyang aso, naghain ng police complaint ang animal rights group na People for Animals na naging dahilan para siya’y arestuhin.

Sa kasalukuyan, nakapaghain na ng piyansa si Sharma at naglabas siya ng public apology sa kanyang mga social media accounts.

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with