^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., nakaimbento ng panghihip sa birthday candle para hindi kumalat ang laway sa cake!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAHIL sa COVID-19 pandemic, maraming pangkaraniwang gawain noon ang iniiwasan na nating gawin ngayon upang makaiwas sa virus, tulad ng pakikipag-shakehands, pakikipag beso, at iba pa.

Kaya may isang mister sa Henrico, Virginia ang nakaimbento ng gadget na panghihip ng birthday candle upang hindi magkalat ng droplets ng laway sa cake!

Bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic, naisip ng 44-anyos na si Mark Apelt ang ideya ng isang birthday candle extinguisher matapos siyang dumalo sa isang children’s party at nakita niya kung paano kumalat ang saliva droplets sa cake matapos hipan ng celebrator ang kanyang birthday candle.

Nang magsimula ang lockdown sa kanyang lugar, nagkaroon nang maraming oras si Apelt at dinisenyo ang panghihip sa birthday candle na tinawag niyang Blowzee.

Sa tulong ng Blowzee, ang hangin na papatay sa apoy ng birthday candle ay manggagaling sa propeller nito at hindi galing sa bibig ng humihip kaya walang saliva droplets na kakalat sa cake.

Dahil sa pag-iingat ng mga tao na kumalat ang COVID-19 virus, naging mabenta ito sa lugar nila sa Virginia at naisipan na rin niyang ibenta online.

vuukle comment

BIRTHDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with