^

Punto Mo

Lalaki sa Australia, may natagpuang ahas sa letsugas na nabili niya sa supermarket!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GALING sa ALDI supermarket sa Sydney si Alex White at kanyang asawa. Agad kinuha ni Alex ang letsugas mula sa kanyang shopping bag para hugasan at gagawa sila ng salad.

Pero nagulat siya nang makitang may kumikislot na matabang bulate sa loob ng plastic wrapper nito.

Lalo siyang nagulat nang malaman na hindi bulate ang kumikislot kundi isang ahas!

Sigurado siyang ahas sapagkat inilabas nito ang mapulang dila!

Sinabi niya sa kanyang misis na may ahas sa nabili nilang letsugas kaya pinagtulungan nila itong ikinulong sa isang plastic food container saka tumawag sila sa WIRES, isang animal rescue organization na tumutulong humuli ng mga nakawalang hayop.

Mabilis na rumesponde ang WIRES at napag-alaman na ang natagpuang ahas sa letsugas ay isang Pale-headed snake na may habang walong pulgada.

Kilala ang Pale-headed snake na makamandag at ka-yang pumatay ng tao sa isang tuklaw lamang.

Walang balak magsasampa ng reklamo si Alex White at ang kanyang misis sa ALDI, ang supermarket chain kung saan niya nabili ang letsugas, dahil wala namang naperwisyo sa kanyang pamilya.

Ipinangako naman ng pamunuan ng ALDI na iimbes­tigahan nila kung paano nagkaroon ng ahas ang kanilang itinitindang gulay at mas hihigpitan nila ang pag-iinspeksyon sa kanilang mga paninda.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with