^

Punto Mo

Ang nurse na sumuway sa protocol

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG kasagsagan ng Vietnam war, may medical practice at policy ang US medical team tungkol sa pagbibigay ng assistance sa kanilang mga nasugatang sundalo. Hinahati ang mga sugatang sundalo sa tatlong color tag ayon sa paghuhusga ng mga doktor na naka-duty. Mga doktor lang at nurses ang nakaaalam ng ibig sabihin ng color tag.

Kapag White ribbon na itinatali sa braso ng sundalo: Hopeless case. Wala nang magagawa para siya ay mailigtas. Last priority siyang bibigyan ng assistance kaya malamang na mamatay kaysa magamot.

Kung Yellow ribbon: Malaki ang pag-asang gumaling with or without medical help.

At kung Red Ribbon: Malala ang sugat pero may pag-asang mabuhay kung agarang mabibigyan ng medical assistance.

Kapag nagkukulang sa medical supplies at personnel, ang ginagamot lang ay ‘yung naka-Red Ribbon tag. At kapag may pagkakataong may magta-transport na helicopter, siya ang unang dinadala sa pinakamalapit na field hospital.

Isang sundalo ang napansin ng nurse na malala ang mga sugat sa katawan ngunit may malay ito. White Ribbon ang nakatali sa kanya. Ang isang binti niya ay naputol. Nilagyan niya ng paunang lunas ang mga sugat upang maibsan man lang ang physical pain na nadadama nito. Pabulong na nagpasalamat ang sundalo.

Naitanong ng nurse kung saang US state ito nakatira. Napangiti ang nurse sa sagot dahil magkababayan pala sila, sa Florida. Napaawa ang nurse sa kanyang kababayan kaya palihim niyang tinanggal ang White Ribbon at pinalitan ng Red Ribbon ang sundalo. Tamang-tama naman na may dumating agad na helicopter. Ang sundalong kababayan ng nurse ang unang isinakay sa helicopter.

Natapos ang giyera at umuwi na sa Florida ang nurse. Anong gulat niya nang malamang nagpakasal na pala ang kanyang kapatid na babae sa boyfriend nitong sundalo. Palibhasa ay kung saan-saan napapadestino ang nurse, hindi siya updated sa mga personal life ng mga kapamilya.

Sandali lang nagkatitigan ang nurse at bayaw nitong sundalo at saka nakilala nila ang isa’t isa. Yes, iyon ang sundalong pinalitan niya ng color tag!

 

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with