^

Punto Mo

Ayaw maparusahan, pero ayaw sumunod

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami ang kumokontra sa kautusan ni Pangulong Digong na paghuhulihin at ikulong ang mga pasaway na lumalabag sa ipinaiiral na health protocols lalo na ang hindi nagsusuot ng face mask o kung may suot man eh hindi naman tama ang pagkagamit.

May nalalabag daw ditong karapatang pantao at hindi raw ito ang dapat na manaig.

Pero kung makikita ang nangyayari sa paligid na hindi pa rin matapos-tapos ang pandemya, na puwedeng isisi sa mga pasaway sa protocol.

Hindi nga lang sa Pinas ang pandemya kundi sa buong mundo, hindi ba’t  obligasyon din naman ng bawat isa na sumunod sa pinaiiral na mga patakaran at protocols para malabanan ang pagkalat pa ng virus.

Dapat naman lahat eh, nakikisama sa ganitong pagdisiplina.

Eh, paano na lang ang mga lumalabag, ganun na lang ba wala nang gagawin ang pamaha-laan sa kanila at hahayaan na lang na magkalat ng lagim.

Tignan na nga lang ang nangyari noong nakalipas na Linggo sa isang resort sa Caloocan.

Aba’y sa rami ng tao na walang suot na face mask at dikit-dikit sa pool mistulang walang pandemya, ano na ang gagawin dito?

Hahayaan na lang, sisitahin na lang, na wala namang kadala-dala  at paulit-ulit na lamang.

Kahit yata anong paalala sa ilan, eh hindi magawang sumunod at magtiis muna sa pinaiiral na patakaran.

Hindi ba dapat na bigyan na ang mga ito ng kaparusahan dahil nilalagay nila sa peligro ang kanilang kapwa ngayong panahon ng pandemya.

Kung ayaw maparusahan, simpleng pagsunod lang naman ang kailangan, hindi naman ito marahil pagpapahirap sa kanila.

 

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with