^

Punto Mo

Katapatan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BAGO dumating ang mga Kastila dito sa Pilipinas, naging alipin si Samuel ng isang mayamang haciendero sa Davao. Mabait naman sa kanya ang among si Don Ciriaco. Ang pa-ngunahin niyang responsibilidad ay alagaan ang mga tanim na saging at papaya sa isang napakalawak na lupain.

Minsan, habang nagbubungkal siya ng lupa para pag-taniman ng seedlings ng suha ay may napulot siyang parang kristal na kasinglaki ng pitsa ng mahjong. Katanghaliang tapat noon kaya natamaan ang kristal ng sinag ng araw. Parang lalong sumabog ang kislap na nagmumula sa batong kristal. Itinago niya ito sa bulsa.

Kinagabihan na dumating mula sa opisina si Don Ciriaco ay kinausap siya ni Samuel.

“Don Ciriaco, may napulot po ako kanina sa ilalim ng lupa habang nagbubungkal ako.”

“Anong napulot mo?”

“Isang bato po na kumikislap”

Iniabot ng alipin ang bato sa kanyang amo. Nanlaki ang mata ng amo. Sa unang tingin pa lang ay natitiyak ng Don na diyamante ang hawak-hawak niyang bato.

“May pinagsabihan ka tungkol dito?”

“Sa iyo ko lang po sinabi ang tungkol diyan”

Niyaya ng Don ang kanyang alipin sa opisina.

“Samuel, mula sa araw na ito ay ipagkakaloob ko na sa iyo ang kalayaan mo. Bahala ka kung saan mo gustong lumipat ng tirahan. Upang makapagsimula ka ng panibagong buhay, bibigyan kita nang malaking halaga. Ito ay bilang kapalit ng pagiging matapat mong alipin. Hindi mo inangkin ang diyamante. Ito ang diyamanteng ibinaon ng aking mga ninuno sa iba’t ibang parte ng aming lupain. May mga tao noon na gustong umangkin sa tatlong diyamanteng pag-aari ng aming pamilya. Ang dalawa ay matagal nang nahukay ng aking ama. Itong nahukay mo ay matagal na naming pinaghahanap. Salamat sa iyo.”

Ginamit ni Samuel ang perang ibinigay ni Don Ciriaco sa pagbili ng lupain na tinaniman niya ng saging at iba’t ibang punongkahoy. Umangat ang kanyang kabuhayan hanggang sa naging mayaman. Ang marangyang buhay na tinatamasa ngayon ng kanyang great grandchildren ay utang nila sa kanilang lolo na minsang naging tapat na alipin.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with