^

Punto Mo

Sana si Eleazar na!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BASBASAN na kaya ni Boss Digong si Lt. General Guillermo Eleazar para maging PNP chief na papalit sa tronong iiwanan ni General Debold Sinas? Bakit? Bibitaw na kasi si Sinas bilang PNP chief para sa mandatory retirement nito kaya ang pinaka-senior officer sa posisyong iiwanan ni Debold ay si Eleazar. Sabi nga, makuha na sana!

Si Eleazar, ang deputy chief for administration sa PNP kaya naman very much qualified ito para sa PNP chief.

Kung hindi mahuhulog si Eleazar sa pagkakaupo nito tiyak na makukuha na niya ang puwestong inaasam dahil hindi birong tapak ang inabot nito noong siya ang itinutulak para maging Ama ng kapulisan sa Philippines my Philippines. Sabi nga, kung sipag, galing at pakikipagkapwa tao ay liyamado si Eleazar dahil subok na ito.

Ika nga, kung baga sa kabayo sobra-sobra na sa trangko, hehehe!

Si Boss Digong kasi ang mamimili para sa susunod na PNP chief kaya kung hindi niya kursunada si Eleazar tiyak wala nang pag-asa. Ano sa palagay ninyo? Mapagbigyan kaya o hindi? Abangan.

• • • • • •

Buy all you can, fly when you can with CEB Super Pass!

Mahigit isang taon na sa pandemya ang Philippines my Philippines at hindi maikakaila na karamihan sa madlang Pinoy ang gustong maglakbay muli upang makita ang ilan sa mga international beaches at historical sites sa atin, o upang bisitahin ang pamilya at mga kaibigan.

Ikaw ba ay kabilang sa pangkat ng mga manlalakbay ngunit hindi sigurado sa iyong mga petsa ng paglalakbay? Kaya para ka sa isang special treat mula sa Cebu Pacific sa 5.5!

Habang patuloy na ipinagdiriwang ng nangungunang carrier ng Philippines my Philippines ang ika-25 anibersaryo nito, lumilikha ito ng isa pang makabagong produkto upang matugunan ang pangangailangan ng bawat Juan para sa lubos na kakayahang umangkop, kaakibat ng pinakamababang pamasahe. Ipinakikilala ang isa pang kauna-unahang uri ng produkto na hahayaan ang mga manlalakbay na bilhin ang lahat nang makakaya nila at lumipad nang maabot nila ang pinakamalawak na domestic network ng CEB – ang CEB Super Pass.

Ang CEB Super Pass, isang limitadong oras na alok ng ika-25 anibersaryo na magagamit lamang mula ngayong Mayo 5 hanggang Mayo 12, 2021, ay isang voucher sa paglalakbay na nagbibigay sa mga pasahero ng kinakailangang kakayahang umangkop sa halagang P99 (one-way base fare) lamang, ang voucher sa paglalakbay ay maaaring magamit sa anumang patutunguhan sa Philippines my Philippines sa pinakamalawak na domestic network ng CEB para sa paglalakbay mula Mayo 12, 2021 hanggang Mayo 31, 2022! Ano pa ang hinihintay ninyo?

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with