^

Punto Mo

Health protocols, seryosohin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi ang nangyayari ngayon sa bansang India dahil sa COVID pandemic. 

Daang libo ang naitatalang mga bagong kaso kada araw, marami na rin ang binawian ng buhay.

Biglang-bigla ang ganitong pangyayari sa naturang bansa at talagang ang bilis ng pagtaas ng kaso.

Sinasabing dahil sa hindi natugunang maipatupad ang dapat na health protocols ang dahilan sa pangyayaring ito.

Kaya nga hindi lamang ang Department of Health (DOH) kundi maging ang World Health Organization (WHO) ang nagbabala na maaaring magaya tayo sa India kung ipagwawalang bahala ang health protocols.

Ito ang sa ngayon ang pinakapangunahing kailangan para malabanan ang paglaganap ng virus.

May ilan pa rin kasi ang hindi naniniwala sa bagsik ng COVID, kaya ganun na lang ang pagsuway at hindi pagsunod sa pinaiiral na protocols.

Kailangan na rin talaga na maibaba ang bilang ng may COVID sa bansa, para di na tumagal pa ang pagpapatupad naman ng mahigpit na quarantine status.

Mahigit milyon na ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemic, na dahil dito sa pinakahuling survey tumaas ang bilang ng mga nagugutom.

Maraming kabuhayan talaga ang naapektuhan, maliit o malaking negosyo o trabaho talagang nadale ng COVID pandemic.

Naghihingalo na rin ang posibleng tulong buhat sa gobyerno dahil sa ubos na ang kaban.

Kung ayaw nating matulad sa India at kung ayaw nating tumagal pa ang ganitong sitwasyon, ang sagot dyan nasa atin pa rin sa pamamagitan nang pagsunod at ‘wag nang maging pasaway pa.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with