^

Punto Mo

12-anyos na batang lalaki sa U.S., pinagsabay tapusin ang high school at college!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HABANG ang karamihan sa buong mundo noong 2020 ay naka-lockdown at walang magawa sa kanilang mga tahanan, naisipan ng 12-year-old na si Mike Wimmer na mag-enroll online sa isang community college habang tinatapos ang kanyang high school diploma sa online classes.

Fast forward ngayong May 2021, ga-graduate na si Wimmer hindi lamang sa high school, kundi pati na rin sa kolehiyo!

Dahil sa mataas na IQ, nakumpleto ni Wimmer sa loob lamang ng isang school year ang apat na taon ng pag-aaral: grade 11 at grade 12 sa high school at ang two-year associate’s degree sa kolehiyo.

Sa edad na 12, nakapagtatag na si Wimmer ng isang tech startup company. Ito ay ang Reflect Social na ang hangarin ay gawing simple ang paggamit ng smart home appliances sa tulong ng social media platforms upang mas ma-ging madali ang mga gawaing bahay

Ang startup company na ito ang dahilan kaya napahanga at pinahintulutan siya ng Rowan Cabarrus Community College na kumuha ng associate’s degree kahit kasalukuyan pa niyang tinatapos ang kanyang high school diploma.

Magmamartsa si Wimmer sa Rowan Cabarrus Community College sa May 21 at sa Concord Academy High school sa May 28 kung saan siya ang valedictorian.

 

vuukle comment

COLLEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with