^

Punto Mo

Pagbubukas ng ilang negosyo, isabay sa pagpapatupad ng MECQ

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagdesisyon na si Pangulong Digong, pinalawig pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus mula Mayo 1-14.

Base na rin kasi ito sa mga ginawang rekomendasyon ng iba’t ibang grupo, health experts  at ahensya kasama na ang DOH.

May matindi pa kasing pangangailangan   para panatilihin ang MECQ, upang mapigilan pa ang pagtaas ng kaso nang nagkaka-COVID.

Pero sa kabila nito, nais na rin ng ilan na kahit bahagya eh magbukas ang negosyo. 

Sa naging rekomendasyon nga ng Metro Manila mayors, nais nila ang ‘Hybrid MECQ’.

Kabilang na rin dito ang pagpapaiksi sa curfew para mabigyang daan ang ilang negosyo na tumakbo.

Maging ang DTI, hangad din na kasabay sa ekstensyon ng MECQ  unti -unti na ring makabalik sa operasyon ng ilang negosyo kabilang ang mga salon, barberya at indoor dining.

Kung mapagbibigyan ang kanilang rekomendasyon na 10% capacity sa indoor dinning ng mga restaurant at 50% capacity sa mga personal care services, nasa kalahating milyon displaced workers ang makakabalik sa trabaho.

Hindi lang marahil nakikita ng iba na sa pagpapatupad ng istriktong quarantine o ECQ na pinairal mula Marso 29 hanggang Abril 12 na sinundan naman ng MECQ, nasa 1.5 milyong manggawa  pala ang nawalan ng hanapbuhay sa NCR Plus.

Kaya giit na rin ng MM mayors maging flexible , maipatupad man ang MECQ hanggang Mayo 14. Sana ay mapayagan na rin kahit unti-unti na makabukas ang ilang negosyo at trabaho para na rin sa nalulugmok nang ekonomiya.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with