^

Punto Mo

Tuloy ang kaso!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAHAPON, sa aking programang BITAG Live, kinumpirma ng barangay chairman ng Holy Spirit na si Chito Valmocina na sasampahan ng kaso ang organizers ng birthday community pantry ng aktres na si Angel Locsin.

Ayon kay Valmocina, ang Quezon City Police District Station 14 ang magsasampa ng kaso. Ang Barangay at ang Task Force Disiplina ang tatayong mga saksi.

Isa umano sa mga paglabag na ginawa ay napapaloob sa IATF Resolution No. 80 na may kinalaman sa mass gathering at social distancing.

May mga abogadong nagsasabi, wala umanong pananagutan ang aktres dahil wala namang nangyaring “krimen”.

Teka muna, magkaiba ang “may krimeng” ginawa at “may violation o paglabag.”

Ang imbitasyon umano ng aktres sa kanyang mga social media accounts na may milyones na followers at may nakasulat na “anyone is welcome” ay panawagan na ng isang malaking pagtitipon. 

Ang tanong, sinasadya o may intensiyon bang lumabag sa quarantine protocols? Maaaring wala, maaaring meron.

Kaya nga ang sinasabi noon ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, bawat community pantry ay kinakailangan ng koordinasyon sa barangay. 

Ito ay para masiguro na maipatutupad ang mga health protocols, peace and order at masigurong mapunta sa mga talagang nangangailangan. 

Pero na-bashed at pinulaan si Usec. Dino sa kanyang sinabi noon. Days after, eto na ang nangyari. Kumbaga, siguro mapapa-tsk tsk tsk na lang si Usec. Dino sabay sabi ng “i told you so.”

Inulit ni Valmocina na siya’y binigyan ng awtoridad ng alkalde ng Lungsod ng Quezon na magdesisyon hinggil sa isyung ito. 

Katulad ng kanilang napagmitingan umano nitong Lunes, tutuluyan nila at papanagutin ang organizers ng birthday community pantry ng aktres.

“No one is above the law Ben,” pagtatapos ni Valmocina.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with