^

Punto Mo

Quarantine classifications, taas-baba na lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong araw inaasahang ihahayag ni Pangulong Digong­ ang magiging quarantine classifications sa NCR Plus sa pagpasok ng buwan ng Mayo.

Pero base na rin sa mga nagiging rekomendasyon ng iba’t ibang grupo at ahensya ng gobyerno kabilang na rito ang DOH mas pabor silang manatili ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) para umano lalong maramdaman ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID.

Kailangan pa rin na mabigyan nang pansin at mapataas pa ang kapasidad ng health system na maituturing, ayon nga sa DOH na hindi pa masyadong nag-i-improve sa kasalukuyan.

Problema pa rin ang wala nang mapaglagyan na mga pasyente ng COVID sa iba’t ibang pagamutan lalo na sa Metro Manila, na talaga namang marami ang nasa kahabag-habag na kala­gayan dahil nasa pasilyo at mga tent na lamang at hindi na nakakaya sa loob ng pagamutan. 

Maging sa mga ICU, lobo pa rin sa mga pasyente ng COVID. 

Gayunman may malaking pagbaba sa naitatalang mga bagong kaso kaya nga ang rekomendasyon ng maraming grupo ituloy pa kahit isa o dalawang linggo ang MECQ. 

Sa kabila nito, meron din naman na nagsasabing dapat nang maibaba sa general community quarantine ang status sa NCR Plus para tuluyan nang makapagbukas ang ekonomiya.

Ito ay dahil naman sa talagang ramdam na ang paghihirap ng marami nating kababayan na patuloy na hindi nakakatrabaho.

Hindi na rin kaya ng gobyerno ang pagbibigay ng ayuda, talagang kinukulang na rin sa pondo.

Wala pang katiyakan kung hanggang kailan tatagal ang pandemya ng COVID, kaya nga kailangan na matimbang ang kalusugan at ang kabuhayan.

Mas kailangan marahil ngayon na madaliin at palakasin pa ang vaccination program para mas marami  ang mabigyan na ng bakuna at makamit na ang herd immunity na makakatulong nang malaki para makabalik sa normal na pagkilos ang marami.

Kasi nga kung hindi mangyayari ito, paulit-ulit na lang ang taas-baba sa quarantine classifications na lalong magpapahirap sa atin.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with