^

Punto Mo

Paki ko! Kilala raw nito mga utol ko?!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAY mga taong, sukdulan ang yabang… hambog kung tawagin. Akala mo kung sino na basta na lamang kakalad­karin ang pangalan ng mga kilalang personalidad.

Itong isang negosyante sa Quezon City, hindi nadeliber ang serbisyo sa kanyang kliyente kaya’t umatras na sa kanilang transaksiyon. Gusto nang i-refund ang perang ibinayad sa kanyang establisimento.

Ang siste, imbes magpaumanhin sa pagkukulang at ibalik ang perang naibayad na, nag-name drop pa ang kumag. 

Ipinagmalaki pang protektado umano ni Mayor at kung sinu-sinong talpulanong heneral ang kanyang negosyo. Kung may magrereklamo raw laban sa kanya ay parang bumangga sa pader.

Depensa pa niya, maliit na halaga lamang daw ang P450,000 kumpara sa yamang meron siya. Wow, bigtime!

Etong siste, ilang oras bago umere ang Pambansang Sumbungan, tumawag sa isang Bitag Staff ang inirereklamong si Mark Young. 

Aniya, huwag na raw patulan ang nagrereklamo sa BITAG dahil naibalik na niya ang pera. Kilala rin naman daw niya ang mga utol kong si Tol Raffy at Tol Erwin.

Nagpantig ang taynga ko dahil pati pangalan ng mga kapatid ko ay kinaladkad nitong hambog na ito. Akala niya yata ay madadala ako ng kanyang estilong name dropping o name bragging.

Sa imbestigasyon kahapon sa ere, kasinungalingan ang sinabi ni Mark Young. Hindi pa naibalik ang pera sa kliyente, isang post dated cheque lamang ang kanyang ibinigay.

Simple lang naman, kung may kasalanan o pagkukulang, magpaumanhin at agad resolbahin ang problema. Eh andaming kuda, nagmamalaki at nagyayabang pa, may kalalagyan yan.

Hindi na kailangang gumamit pa ng pangalan ni Hudas, Herodes at kung sino pang satanas para manakot o gawing sangkalan sa iyong kalokohan.

Malinaw ang mensahe ko sa iyo Mark Young, huwag na huwag mong gagamitin ang pangalang TULFO sa personal na kapritso mo.

Malas mo na sa akin ka isinumbong dahil hindi kita sasantuhin. Hindi umuubra sa akin ang padri-padrino.

vuukle comment

TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with