^

Punto Mo

Pananalig

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BINAYO nang malakas na bagyo ang lugar nina Buboy. Pagkatapos ng bagyo ay tumambad sa buong barangay ang natumbang mga puno ng niyog at palay na nakababad sa baha.

Simula nang bumagyo, isang beses na lang kumakain ang mag-anak nina Buboy. Binaha ang buong taniman nila ng sibuyas at bawang. Nabalitaan niya na ang mga kapitbahay nila ay nanghihingi ng limos sa mga motoristang dumadaan sa national highway. Naisip niyang sumama sa kapwa bata para kahit paano ay may maibili silang bigas. Hindi makarating sa kanila ang relief goods dahil nagiba ang nag-iisang tulay na dinadaanan patungo sa kanilang barangay. Wala nang tulay kaya lulusong muna sila sa ilog na hanggang leeg ang lalim sa mga batang kasinglaki ni Buboy.

Bago umalis ay nagdasal muna siya sa kanilang munting altar. Tapos kinuha niya ang isang plastic bag. Tiniklop niya ito at isinilid sa bulsa ng kanyang shorts. Napansin iyon ng kanyang ina.

“Para saan ang plastic bag?” tanong ng ina.

“Dito ko po ilalagay ang mga pagkaing matatanggap ko,” sagot sa ina nang nakangiti.

“May mamimigay ba ng pagkain?”

“Hindi ko po alam. Baka po. Nagdasal ako sa Diyos na sana po ay may magbigay ng pagkain o pera sa amin para may makain tayo mamaya. Mabuti na po ‘yung may mapaglalagyan ako ng pagkain. Kung may maglimos naman ng pera, didiretso ako sa palengke at mamimili ako ng pagkain. Dito ko sa plastic bag ilalagay ang pinamili ko.”

Pagdating ng mga bata sa highway, maraming motorista ang naawa sa mga ito kaya’t bago magtanghalian ay nagpasya si Buboy na humiwalay na sa grupo upang ipamili ng pagkain ang natanggap na limos. Anong saya niya nang may madatnan siya sa tapat ng palengke na namimigay ng libreng iba’t ibang gulay. Inilabas niya ang plastic bag at doon inilagay ang gulay na pagsasaluhan nilang mag-anak. Ibinili niya ng bigas ang perang napaglimusan. Bago tumawid sa ilog pabalik sa kanilang bahay, inilagay niya sa ibabaw ng ulo ang lahat ng pagkaing bitbit niya. Bukas magdadasal ulit siya.

A simple, childlike faith in a Divine Friend solves all the problems that come to us by land or sea. – Helen Keller

 

 

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with