^

Punto Mo

Maluwag pang community quarantine, dapat na ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakatakdang magpulong bukas ang Inter Agency Task Force (IATF)on COVID-19 response para sa irerekomen­dang quarantine classifications para sa NCR Plus.

Pero kung mga doktor at mga health experts ang tatanu­ngin, nais nilang manatili pa ang kasalukuyang ipinatutupad na quarantine status sa NCR na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Nangangamba kasi ang mga manggagamot na baka muling magpatupad ng kaluwagan, na puwedeng maging sanhi ng surge.

Kung magkaganito eh, hindi na naman nila kakayanin ang lumalaking bilang ng COVID cases.

Bagama’t may kaunting pagbaba sa reproduction rate, aminado ang mga pagamutan sa Metro­ Manila na hindi pa rin sila ‘nakakahinga’ sa mga tinatanggap na COVID cases.

Talaga nga namang walang mapaglagyan ang araw-araw na pasyenteng dinadapuan ng COVID sa mga pagamutan.

Maging ang mga health workers ay kinukulang pa rin lalo sa mga nag-aasikaso sa sinasabing ‘high risk’ patient.

Umaasa ang mga eksperto, na mapapakinggan ng IATF ang kanilang mga kahilingan.

Kailangan umanong maisaalang-alang at mabigyang pansin pa rin ang hospital  at health care facilities maging ang mga health workers, sa gagawing rekomendasyon ng community quarantine.

 

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with