^

Punto Mo

Community pantries, ‘di kailangan ang permit

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ilang Metro Mayors na ang nagsabing hindi na kailangan ang permit para sa itinatatag na community pantries.

Eh kasi naman sino bang ma-epal ang nagsabing kailangan pa daw ng permit bago maglatag ng maliliit na pantry sa komunidad na ang layon lang naman kahit bahagya eh makatulong sa nangangailangang kapwa.

Ano ba naman ang mga opisyal na ito na nang batikusan ng netizen, biglang kumakambiyo.

Nagsanga-sanga na ang pangyayari bukod pa nga sa ilang may tamang duda na ginagamit daw ang community pantries ng mga komunista.

Bukod pa ito sa ilang grupo na talagang ang hangad eh makisawsaw sa isyu, yung tipo na  nanunulsol.

Kahanga -hanga na ang ganitong uri ng bayanihan na nagsimula  lamang  sa Quezon City, ngayon marami na ang gumaya.

Kaya naman dapat nang tantanan ang mga ito, hayaan na lang ninyong tumulong.

Kaysa naman sa iba na puro daldal madalas namang sumasablay.

Ang ganitong mga opisyal marahil ang dapat na unahing sibakin, hindi muna isipin ang sinasabi kapag napuna biglang kakambiyo. 

Pagtatanggol nga ng ilang MM mayors walang permit na kailangan sa pagtatatag ng community pantries na layon eh makatulong sa mga  kababayan natin lalu ngayong panahon ng pandemya. 

Nagsimula sa QC, maging ang lungsod ng Pasig nagsisimula na rin ang ganitong bayanihan at sa lungsod ng Maynila hinikayat na rin ang mga may kakayahan na magtatag ng ganitong community pantries kahit saan sulok umano sa lungsod at ito ay hindi nangangailangan ng permit.

Maging sa mga lalawigan, aba’y ginagaya na rin ito na nakakatuwang pagmasdan.

Yun nga lang ‘wag naman sanang abusuhin ng ilang mapagsamantala.

Laging tandaan magbigay ayon sa kakayanan, kumuha batay sa pangangailangan.

 

vuukle comment

COMMUNITY PANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with