^

Punto Mo

Pagsasaliksik na ginawa at mga naging resulta

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Base sa isang pag-aaral na ginawa noong 2011, ang taong mataas ang  pangamba na makisalamuha sa ibang tao (social anxiety) ay magaling makiramdam sa nadarama ng ibang tao.

2. Ang internet trolls ay mga sadista, narcissists, or psychopaths. Malaki ang koneksiyon ng sadism at Internet trolling kaya ayon sa mga researchers ang mga trolls ay puwedeng mailarawan bilang “prototypical everyday sadists.”

3. May lumabas na report na tumataas ang kaso ng autism. Base sa pag-aaral ng American Journal of Medical Genetics., hindi totoong tumataas ang kaso ng autism. Ang pagtaas ay nag-ugat sa pabagu-bagong definition ng mga doktor sa “autism”. Noong araw sa US, ang batang nangangailangan ng special attention sa school dahil mabagal matuto ay hindi binibigyan ng label na “autistic”. Ngunit sa kasalukuyan, wala na silang pagkakaiba: ang autistic at mahina lang ang comprehension ay binibigyan na ng magkaparehong label na “autistic”.

4. Sa 2006 na pagsasaliksik ng McGill University, ang mga babae pala kapag nakapanood ng “sexual imagery” ay mabilis na magkaroon ng physical arousal kagaya ng mga lalaki.

5. Ang taong sobrang gumamit ng Facebook ay kadalasang nakakaranas ng kabiguan sa buhay at depresyon.

6. Natuklasan sa 10-year psychological study, ang mga lalaking empleyado na humahalik sa kanilang misis bago umalis papuntang trabaho ay nadadagdagan ang life span ng limang taon at mas malaki ng 20 to 30 percent ang suweldo kaysa mga lalaking empleyado na hindi humahalik sa kanilang asawa bago umalis ng bahay.

7. Mga 68 percent ng mga tao ay nakakaranas ng “phantom vibration syndrome,” kung saan akala nila ay nagba-vibrate ang kanilang mobile kahit hindi naman. (Itutuloy)

vuukle comment

ANXIETY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with