^

Punto Mo

Maari pa bang kasuhan ang nangaliwang asawa kahit matagal na itong nabisto?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Sa pamamagitan po ng guest list ng hotel ay nabisto ko po ang mister ko na may kabit. Maari ko po ba siyang kasuhan ng adultery o concubinage kahit mga dalawang taon na ang nakakaraan o bago pa po nagkapandemya ko nabasa ang guest list at nabisto ang panga-ngaliwa niya?— Maricar

Dear Maricar,

Maari mo pang sampahan ng kaso ang asawa mo. Depende kasi sa mismong ginawa ng asawa mo, maari mo siyang kasuhan ng concubinage o adultery at ang prescriptive period o ang panahong inilalaan ng batas para makapaghain ng reklamo laban sa mga nasabing krimen ay 10 taon.

Ang mas mahalagang katanungan ay kung sapat bang ebidensiya ang guest list na tinutukoy mo para mapatunayan ang mga balak mong iparatang sa iyong asawa.

Kung aasa ka lang kasi sa guest list ng hotel ay baka mahirapan kang mapatunayan ang iyong mga paratang.

Bukod kasi na madaling maitatanggi ng asawa mo kung ano man ang ginawa niya sa hotel, hindi  rin sapat na pruweba ang guest list upang mapatunayan ang mga elemento ng adultery o concubinage.

Pinakamainam kung makakapangalap ka pa ng ibang ebidensya at magsisilbi lamang na suporta ang guest list sa iba mo pang mga ihahain na pruweba.

Tandaan na kailangang proof beyond reasonable doubt ang kailangang maipresenta sa hukuman upang mahatulang may sala ang isang akusado.

Ibig sabihin ay wala dapat makatwirang duda o alinlangan ukol sa pagkakaroon niya ng sala.

vuukle comment

HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with