^

Punto Mo

PUVs tutukan kung nakakasunod sa health protocols

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kasabay sa pagbabago sa quarantine status sa NCR Plus, kahapon naman halos 2,000 traditional at modern jeepneys ang pinayagan nang makabiyahe ng LTFRB sa Metro Manila.

Nagbukas pa kasi ng nasa 62 ruta ng LTFRB para sa mga nasabing jeepneys.

Isa ito sa bahagyang kaluwagan na ipatutupad sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat pang karatig lalawigan.

Mahigit naman sa 3,000 provincial buses ang napayagan na rin ng LTFRB na makapag-operate sa Metro Manila simula pa noong nakalipas na taon.

Tugon na rin marahil ito sa sinasabing  pagbubukas ng ekonomiya.

Makakatulong ito ng malaki sa mga manggagawa na kailangan na talagang magtungo sa kanilang trabaho matapos ang mga ipinatupad na kahigpitan simula nang maranasan ang pandemya.

Gayunman, kailangan naman talaga dito ang masusing pagbabantay ng mga kinauukulan.

Dapat na nasusunod ang ipinaiiral na health protocols sa mga pampublikong sasakyan.

Dapat malinaw sa mga driver at operator ng PUVs kung ilan lang ba ang  dapat isakay o capacity ng kanilang pasahero.Tiyaking ito ay nasusunod.

Madalas kasi na ito ang napagwawalangbahala, nawawala na ang social distancing sa kagustuhan ng driver na makapagsakay ng marami.

Ang pasahero naman madalas na wala na ring pakialam kahit alam na nilang medyo puno na at wala nang distansya, pagsinakay ng driver sakay lang. 

Ito ang dapat na matutukan ng mga awtoridad, dahil nga isa ang pampublikong transportasyon sa sinasabing may malaking banta nang hawaan sa virus.

Wala kasing nagbabantay at sumisita kaya nahihirati sa sobra-sobrang kaluwagan.

Kaya hindi mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID ay marahil dahil sa hindi epektibong pagbabantay.  

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with