^

Punto Mo

Kakaibang Eba (41)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LIHIM na nagtatawa si Piolo sa sarili. Dahil sa pag-iisip niya sa lalaking nakita sa Ayala Avenue ay napalampas siya nang bababaan. Mabuti na lang at malapit-lapit pa kaya hindi malayo ang kanyang lalakarin patungo sa kanilang bahay.

Masyado siyang natuliro at nagulo ang disposisyon. Kung hindi siya natuliro dapat ay magtataksi siya at hindi magdi-dyip pero dahil nagmamadali siya para hindi “abutan” ng lalaki, naipasya na lamang niyang sumakay sa dyipni at bahala na. Mabuti nga at nasakyan niya ay dadaan pala sa malapit sa kanila. Paano kung ibang ruta ng dyipni pala ang nasakyan niya.

Masyado na siyang matatakutin. Sana lumingon siya kanina para matiyak kung sinusundan nga siya ng lalaking nakita niya sa Ayala. Nag-conclude agad siya na sinusundan gayung hindi naman niya nakikita. Nasira nga ang pagpapasya niya kanina. Nagulo.

Nae-engkanto nga kaya siya at kung anu-ano ang nakikita na naghahatid naman ng takot sa kanya?

Baka napapraning na siya?

Bakit apektadung-apektado siya?

Nang makarating siya sa bahay, hindi na siya nagkuwento sa kanyang mama. Baka mag-worry lang kapag ikinuwento niya ang tungkol sa lalaki. Baka isipin ng mama niya na masamang tao ang lalaki at mayroong tangka. Marami na ngayong kidnapper, akyat-bahay at iba pang halang ang kaluluwa. Bibigyan lang niya ng problema ang kanyang mama. Ayaw niya itong mag-isip sapagkat matanda na.

Bago siya pumasok sa bahay, nag-obserba muna siya   sa labas at baka may sumusunod sa kanya.

Wala naman siyang nakita.

ISANG linggo ang nakaraan, galing siya isang bookstore na malapit lang sa kanilang opisina.

Wala siyang nabiling libro kaya ipinasya na niyang bumalik sa opis nang biglang may tumawag sa kanya mula sa likuran.

Nang lingunin niya, nagulat siya nang makita ang tumawag.

Hindi niya akalain.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with