^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, nagnanakaw ng sapatos ng mga babae at pinapalitan ng bagong pares

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INARESTO ng mga pulis ang 33-anyos na si Hiroaki Katsu, isang office worker sa Nagakute City sa Aichi prefecture dahil sa pagnanakaw ng mga sapatos ng mga babae.

Ayon sa mga imbestigador, may mahigit 20 pares ng pambabaeng sapatos sa kanyang inuupahang apartment. Iba’t ibang style at sizes ng mga sapatos ang natagpuan at lahat ng mga ito ay mga nagamit na.

Nahuli si Katsu matapos magreklamo ang isang 23-anyos na music teacher sa mga pulis nang mapansin niya na ang iniwang sapatos sa kanyang locker ay misteryosong naging brand new muli.

Ayon sa music teacher, nagtaka siya dahil nang isinuot niya ang sapatos ay naramdaman niyang bagumbago ito samantalang halos pudpod na ang suwelas nito bago niya iniwanan sa kanyang locker.

Dahil sa sumbong ng music teacher, nag-imbestiga ang mga pulis sa Nagakute City at napag-alaman nila na maraming kababaihan na pala sa kanilang lugar ang misteryosong nagiging brand new ang kanilang mga lumang sapatos.

Sa tulong ng mga salaysay ng mga biktima, natunton ng mga imbestigador si Katsu at agad naman itong umamin na nagnanakaw nga siya ng mga lumang sapatos ng mga babae dahil gustung-gusto niyang amuyin ito.

Bukod sa kasong theft, pinag-aaralan ng mga awtoridad na kasuhan ng paglabag sa anti-stalking law si Katsu. Sa tingin kasi nila, premeditated o pinagplanuhan ang kanyang mga krimen dahil alam nito kung anong size, kulay at brand ng sapatos ang kanyang ipapalit sa mga ninanakaw niya.

 

vuukle comment

SHOES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with