^

Punto Mo

Kakaibang Eba (35)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KARMA kaya itong nangyayari sa kanya ngayon dahil sa mga pambobola niya sa mga babaing nakarelasyon? Ilang babae na rin ang nabola niya at naikama nang walang kahirap-hirap.

Sinisingil na kaya siya sa mga ginawang pambobola kaya nangyayari sa kanya ngayon ang mga hindi maipaliwanag na misteryo?

O nagkataon lang ang mga nangyayaring ito?

Nakapagtataka na iisa ang sinasabi nina Mariz at Maria Celia na hindi sila nagagawi ng Ayala Avenue kaya imposibleng makita sila roon.

Si Maria Celia ay nagsabing ni minsan ay hindi pa raw siya nakakarating sa Ayala Avenue. Mapapatunayan daw niya iyon dahil mayroon siyang photos na kuha nang araw na sinasa-bing nakita siyang naglalakad sa Ayala Avenue.

Si Mariz naman ay halos ganundin ang sinasabi. Imposible raw na magpunta siya sa Ayala Avenue. At lalo na wala raw siyang kasamang lalaki habang naglalakad sa Ayala Avenue. Humihingi ng katibayan si Mariz.

Napailing-iling si Piolo pagkatapos. Anong misteryo ito na nagpapagulo sa isipan niya?

Anong mayroon sa bahaging iyon ng Ayala Avenue at tila “pinag­lalaruan” siya.

May engkanto kaya roon?

Napailing-iling uli si Piolo. Hindi siya naniniwala sa engkanto. Sa panahon ngayon, mahirap nang pa-niwalaan ang engkanto.

Puwede pa siyang maniwala kay Maria Celia na hindi nga ito ang nakita niya sa Ayala pero kay Mariz, 100 percent na ito ang nakita niya na may kasamang lalaki. Hindi siya maaaring magkamali sapagkat matagal-tagal din  niyang nakasama si Mariz. Halos alam niya ang galaw ng katawan nito. Kabisado niya ang bawat indayog nito lalo sa paglalakad at pati galaw ng mga kamay.

Hindi siya mapaglala-langan ni Mariz. Hindi ito dapat pagtiwalaan. Si Maria Celia ang nagsasabi ng totoo.

(Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with