^

Punto Mo

Masasabi bang conjugal ang property kapag may ‘married to’ sa titulo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Conjugal po ba ang isang lupa kapag may nakalagay na “married to” matapos ang pangalan ng registered owner? Gusto ko lang po sana kasing makasigurado sa status ng property na balak kong bilhin.—Elmer

Dear Elmer,

Mahirap masabi kung conjugal ba o hindi ang isang lupa kung ang mga katagang “married to” lang ang pagbabasehan. Ayon kasi sa Korte Suprema sa kaso ng Bangayan vs. Bangayan (G.R. No. 201061, 3 July 2013), nagsisilbing deskripsyon lamang ang mga katagang “married to’’ upang maipaalam na kasal ang registered owner ngunit hindi ibig sabihin ay awtomatikong conjugal property na ang lupa.

Malinaw lamang na conjugal property ang lupa kung sa titulo ay nakalagay ang mga katagang “Spouses” o “Sps.” at nakasaad ang parehong pangalan ng mag-asawa bilang mga rehistradong may-ari ng lupa.

Dahil walang paraan para malaman kung conjugal property ba o hindi ang isang lupa base lamang sa mga katagang “married to”, ang maipapayo ko ay imbestigahan mo na lang mabuti ang lupa na balak mong bilhin upang masigurado mo na ang seller ay ang may-ari, at ang tanging nagmamay-ari, ng lupang iyong balak bilhin.

Mahirap ‘yung nakapaglabas ka na nang malaking halaga ngunit saka mo lang malalaman na may iba pa palang co-owner na maghahabol sa property na akala mo’y nabili mo na.

 

vuukle comment

PROPERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with