^

Punto Mo

Ayuda, cash o in-kind?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang linggo pang pinalawig ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at sa apat na karatig lalawigan.

Bagama’t hindi ito kasing higpit sa dating ipinatupad noong nakalipas na taon, dahil pinapayagan ngayon na makabiyahe ang mga pampublikong sasakyan.

Ibig lang sabihin, merong masasakyan ang mga manggagawa para makapagtrabaho.

Bagamat maaga ang pagpapatupad ng curfew, binigyang konsiderasyon din  naman ang mga manggagawa basta may maipapakita lamang na mga kaukulang dokumento o IDs.

Mahaba ang naging total lockdown noon, inabot ng buwan kaya marami talaga ang nawalan ng kabuhayan.

Ngayon kahit papaano, nakakasabay ang pagbubukas ng ekonomiya, may mga bukas na establisimento pero may kaunti lang prohibisyon.

Magkagayunman man, siyempre pa kailangan din naman uli ng tulong o ayuda buhat sa pamahalaan.

Bagama’t nangako ang pamahalaan na makakatanggap ng ayuda ang lahat ng maaapektuhan ng ECQ, asahan na natin na hindi ito kasinglaki noong maganap ang total lockdown noong isang taon.

Ngayon nga nasa lokal na pamahalaan na ang desisyon kung ano at kung papaano maipapaabot sa kanilang nasasakupan ang ayuda buhat sa nasyunal na pamahalaan.

Pwede itong cash o in kind, basta’t ang kabilin-bilinan, ‘wag itong gamitin sa pamumulitika lalo’t higit hindi ito mapagsasamantalahan lalo na lebel ng mga barangay.

Kalaboso ang banta dito ni Pangulong Digong.

Pero para sa mas nakakarami mas nais nilang cash na lang ang ibigay.

Baka kasi ‘pag in -kind , mapagkakitaan pa ito ng mga mamamahala.

Iba na rin kung cash dahil alam ng mga indibiduwal kung ano ang kanilang pangangailangan at kung saan ito makakatulong sa kanilang kabuhayan.

Sana nga lang makarating kay Juan ang para kay Juan, kay Pedro ang para kay Pedro  at huwag mapasakamay ng mga kawatan.

 

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with