^

Punto Mo

Hinabol ng insurance company kahit nagkaaregluhan na

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May nasagi po akong sasakyan sa car park ng isang mall noon pang Enero. Mabilis naman pong kausap ang may-ari ng sasakyan na nagsabing wala siyang balak magsampa ng reklamo at bahala na raw ang kanyang insurance sa pinsalang tinamo ng kotse niya.

Kaya naman laking gulat ko nitong isang linggo nang makatanggap ako ng demand letter mula sa isang insurance company na sinisingil ako para sa gastos sa pagkumpuni ng sasakyang nabangga ko. Tama po ang ginagawa nilang paniningil kahit nagkaayos na kami ng may-ari ng sasakyang nabangga ko? – Danny

Dear Danny,

Hahabulin ka talaga ng insurance company ng may-ari ng sasakyang nabangga mo. Base sa inilahad mo ay aminado ka namang ikaw ang may kasalanan sa ginawang pagsagi ng sasakyan mo kaya ikaw dapat ang managot sa pinsalang idinulot nito.

Hindi mo dapat ipagpalagay mula sa sinabi ng may-ari ng sasakyang nasagi mo na wala ka ng pananagutan; ibig sabihin lang niya ay ayaw na niyang maabala pa sa pagsasampa ng reklamo laban sa iyo kaya hahayaan na lang niyang ang insurance niya ang sumagot sa pinsala at sila na lamang humabol sa iyo.

Nakasaad sa Article 2207 ng ating Civil Code na kung sakaling may insurance ang ari-ariang napinsala at nakatanggap ng halaga para sa daños ang may-ari nito, may karapatan ang insurance company na pumalit sa katayuan ng may-ari upang ang kompanya na ang may karapatang humabol sa naging sanhi ng pinsala.

Kaya huwag ka nang magulat sa demand letter na natanggap mo dahil kailangan mo talagang panagutan ang pinsalang idinulot mo.

vuukle comment

INSURANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with