^

Punto Mo

Pamilya

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG panahon na wala pang cell phone. Ang tanging paraan lang para makapagkomunikasyon ang isang nasa Pilipinas sa kapamilyang nasa abroad ay long distance call na pagkamahal-mahal ang bayad.

Sa Amerika naninirahan ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Arman at Cory. Minsan ay hindi nila maiwasang magtampo kay Lerma dahil ilang Pasko na silang binigo nito na makapagbalikbayan.

Sa simula ay mangangakong uuwi sa Pilipinas pero sa last minute ay biglang kakanselahin ang pagbabakasyon dahil binawi diumano ng kanyang boss ang permiso na siya’y makapagbakasyon; nagkasakit ang anak; available siyang magbakasyon pero ang asawang Amerikano ay hindi at kung anu-ano pang dahilan. Kaya minsan ay nasambit ni Mang Arman sa anak na “Puro drowing lang ang pangako mong pagbabakasyon dito sa atin.”

Isang araw, biglang inatake sa puso ang kuya ni Mang Arman. Bigla ang pagyao nito. Wala man lang premonisyon sa mga anak. Pito ang anak nito at karamihan ay nasa abroad. Bago nailibing ay naghintay pa ng dalawang linggo upang hintaying umuwi ang mga anak na nasa ibang bansa. Naisip ni Mang Arman, kailangan pa bang mamatayan para mapilitang magbalikbayan ang mga anak? Matagal ding panahong hindi umuuwi sa Pilipinas ang mga anak ng kanyang kuya.

Pumasok ang modern technology. Ipinanganak ang cell phone at kung  anu-anong gadgets para mabilis makipagkomunikasyon sa mga kapamilyang nasa abroad.

Ngunit ang masaklap, bihira pa ring makausap ng mag-asawang Arman at Cory ang kanilang anak. Nakipag-divorce kasi ito sa asawang Amerikano kaya laging busy sa kanyang tatlo-tatlong trabaho. Bukod sa nag-iisa na lang siyang naghahanapbuhay para sa apat na anak, gusto talagang pagurin ni Lerma ang sarili upang makalimutan ang asawang nawala na lang at sukat. Nagtago marahil para makaligtas sa pagsusustento.

May edad na sina Arman at Cory kaya nakiusap ito kay Lerma na magbalikbayan kahit isang beses lang. Naisip ni Lerma na pagbigyan na ang mga magulang, tutal may sapat na siyang pera upang makauwi silang mag-iina sa Pilipinas. Pero isang buwan bago magbalikbayan ang mag-iina, biglang sinalakay ng walanghiyang virus ang buong mundo. Nagkagulo na ang lahat.

Isa sa unang dinapuan ng COVID ay si Arman. Nanlumo si Lerma sa nabalitaan. Ilang araw pa ang lumipas, pumanaw si Arman. Noon ang sabi ni Arman, kailangang may mamatay para mapilitang umuwi ang mga mahal sa buhay.

Sa pagkakataong ito, kahit na may mamatay sa pamilya, hindi puwedeng magkita-kita. Ang kinasasabikang pagkikita-kita ng mag-anak ay hindi na natuloy kahit kailan dahil ang mga anak naman ni Lerma ang dinapuan ng COVID.

Hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin ang mga ito sa sakit. Nagsisisi si Lerma. Bakit ba binalae-wala niya ang mga pagkakataong puwede naman siyang umuwi sa Pilipinas pero mas inuna niya ang paghahanapbuhay. Hindi man lang niya napagbigyan ang kahilingan ng mga magulang.

“Family means no one gets left behind or forgotten.” - David Ogden Stiers

vuukle comment

FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with