^

Punto Mo

Bata na nahulog mula 13th floor, nasalo ng kanyang kapitbahay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG dalawang taong gulang na batang lalaki mula Hefei, Anhui Province sa China ang masuwerteng nakaligtas sa pagkakahulog mula sa 13th floor matapos siyang masalo ng kapitbahay na nakatira sa ilalim ng kanilang tinitirahang apartment.

Ayon sa Toutiao News, isang local news agency sa nasabing lugar, iniwang mag-isa sa apartment ang bata ng kanyang ama matapos makatulog ito pero nagising ito agad at umakyat sa balcony na naging dahilan para ito mahulog.

Buti na lamang, kasalukuyang­ nasa tahanan nila ang mag-asawang nakatira sa 12th floor at agad nasalo at nahawakan ang braso ng bata kaya hindi ito tuluyang nahulog.

Agad silang tumawag ng mga bumbero para tulungan silang mailigtas ang bata.

Napag-alaman na ang mister­ na nakasalo sa bata ay dating forest­ firefighter kaya alisto at mabilis ang reflexes nito kaya agad niyang nasagip sa kamatayan ang bata.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with