^

Punto Mo

2 drug pushers patay, 1 timbog sa PDEG!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NABAWASAN na naman ng tatlong drug pushers sa kalye sa pinaigting na kampanya laban sa droga ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG). Ang masama lang, dalawa sa kanila ay natigok matapos manlaban sa mga tauhan ni PDEG director Brig. Gen. Ronald Lee sa Pangasinan.

Naging kontrobersiyal naman ang tinatawag na Extra Judicial Killings (EJKs) at “nanlaban” dahil sa mahiwagang pagkamatay ng libu-libong Pinoy na sangkot sa droga subalit parang ayaw lubayan ng drug pushers ang naturang negosyo. Bakit?

Ayon kay kosang Felix Vargas ang pangunahing dahilan ay pitsa dahil malaki ang kinikita sa pagbenta ng shabu at iba pang bawal na gamot. May punto si kosang Felix dahil dekada itong nanungkulan sa PNP, di ba mga kosa?

At dahil hindi naman humihinto ang supply ng droga sa bansa, aba iniutos ni PNP officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Guillermo Eleazar na isulong pa lalo ang kampanya laban sa droga at tumalima naman ang mga tauhan ni Lee at tatlo kaagad ang nadale nila nitong nagdaang mga araw. Araguuuyyyyy! Hak hak hak!

Hindi balakid ang pandemya para puksain ng mga tauhan ni Lee ang droga alinsunod sa kautusan ni President Digong, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang unang nadale ng mga tauhan ni Lee ay sina alyas Athan at Dogong sa isang drug sting sa Balite Sur, San Carlos City, Pangasinan. Ayon kay Lee, sina Athan at Dodong ay mga galamay ni Uriel Hewe Jr., alyas Bong na nahuli sa Caloocan City noong nakaraang Disyembre at nakumpiskahan ng limang kilo at 100 grams na shabu na nagkakahalaga ng P34,680,000.

Ang base of operation ni Hewe ay sa Caloocan, Quezon City, Bulacan at Pangasinan, ani Lee. Kahit nasa likod ng rehas na bakal na, aba patuloy pa rin ang drug pushing activities ni Hewe sa pamamagitan nina Athan at Dodong. Sori na lang at nahagip sila ng PDEG, di ba mga kosa? Nakumpiska sa dalawa ang kalibre .45 at 9mm na baril, isang kulay orange na Yamaha Mio at 25 gramo ng shabu. Hak hak hak! Hindi talaga nagwawakas sa maganda ang pagbebenta ng shabu ‘no Gen. Lee Sir? Mismoooooo!

Sa Laguna naman, inaresto ng PDEG si Edgarfeel Baloni Sakilan, 42, aka Kalbo at nakumpiska sa kanya ang 2 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon sa ilalim ng COPLAN Chain Knuckle. Si Sakilan ay nakorner sa Phase 1-A sa kanto ng Yakal Loop extension Sugarberry St., Blk. 3 lot 19, Saint Joseph Village matapos tanggapin ang boodle money na P1.3 milyon. Nakuha rin sa kanya ang isang Honda City (AEA 9728) at isang Samsung na celfone.

Sinabi ni Lee na si Sakilan ay courier ng isang arestadong drug pusher na si Michael Romualdez. Nag-ooperate ang grupo sa Region 3, 4-A, Metro Manila at Mindanao. Idinagdag pa ni Lee na nakukuha ng grupo ang kanilang shabu supply sa international drug ring na nakabase sa Hong Kong. Ang mga miyembro ng grupo at mga Muslim at Intsik na nakatira sa Taguig at gumagamit sila ng sari-saring sasakyan sa pagdeliber ng shabu. Araguuyyyy! Hak hak hak! Matatapos kaya ang problema sa droga sa termino ni President Digong? Abangan!

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with