^

Punto Mo

Cabanatan, retiradong Central Committee member! – CPP

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BINASAG ng Communist Party of the Philippines ang kanilang mahabang katahimikan sa pagpaslang kina CPP Central Committee member Antonio Cabanatan at asawang si Florenda Yan sa Oton, Iloilo noong Disyembre 26. Iginiit ni Marco Valbuena, CPP information officer na sina Cabanatan at Yap ay hindi namatay sa isang robbery kundi dinukot ng mga ahente ng gobyerno ni President Digong, tinortyur at brutal na pinaslang.

Sinabi ni Valbuena na ang revolutionary forces ay galit na galit at nagbabanta pang pagbabayaran ng gobyerno ni President Digong ang sinapit nina Cabanatan na tinawag niyang Kasamang Manlimbasog at Yap na Kasamang Osang. “Our indignation over the killing of Ka Manlimbasog and Ka Osang is immeasurable. Elderly and infirm, they were abducted around October last year and secretly imprisoned by the fascist agents. We cannot begin to imagine the cruelty of the psychological and physical torture that they were made to undergo before they were brutally killed,” ani Valbuena sa kanyang statement na may petsang Marso 17.

“We hold the Armed Forces of the Philippines (AFP), the Philippine National Police (PNP), the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) and other armed agents of the US-Duterte regime responsible for this brutal crime,” dagdag pa ni Valbuena­. Araguuyyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Mismoooooo!

Ipinaliwanag ni Valbuena na sina Ka Manlimbasog at Ka Osang ay matagal ng nagretiro sa CPP matapos magsilbi ng mahabang panahon sa mga workers, magsasaka at mga inaaping mahihirap. Si Manlimbasog, aniya, ay isang nirerespetong komunista at magpakumbaba at simple lang. Kilala ito sa mga alyas na Ka Susing, Ka Ramon, Ka Domeng at iba pa.

Si Manlimbasog ang kauna-unahang komunistang Pinoy na nagpalaganap ng komunismo sa VIsayas at Mindanao. Malaki ang naitulong niya sa mga magsasaka at Lumad sa pang-aapi ng gobyerno sa kanila. Kahit kuba ito at halos limang talampakan lang ang taas, si Manlimbasog ay higante at nangunguna sa people’s war, guerilla warfare, recruit at training ng Red fighters at kabataang komunista. Si Manlimbasog ay nagsilbing secretary ng Mindanao Commission, at miyembro ng CPP Central Committee, ang Political Bureau nito at Executive Committee hanggang magretiro ito noong 2017.

“The entire CPP, the New People’s Army and all revolutionary organizations pay the highest tribute to the martyrdom and lifelong service to the proletariat of Ka Manlimbasog. We will forever be inspired by his shining example,» ani Valbuena. Kinondina din ni Valbuena ang brutal na pagpaslang kina Julius Giron alyas Ka Nars; Eugenia Magpantay alyas Ka Fiel; Agaton Topacio alyas Ka Boy at Ka Randall Echanis. 

Ayon sa report, sina Manlimbasog at Ka Osang ay pinaslang ng naka-bonnet na di-kilalang kalalakihan na nanloob sa kanilang bahay sa Oton, Iloilo noong Dec. 26, mismong araw ng 52nd CPP anniversary celebration. Binigyan sila ng PRO6 ng disenteng libing sa Oton matapos ang halos isang buwan na walang kamag-anak na lumutang para i-claim ang kanilang mga bangkay. Abangan!

vuukle comment

CPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with