^

Punto Mo

Buhay ng baterya ng laptop patagalin

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

GAMIT na gamit sa kasalukuyang panahon ng pandemya ang mga electronic  gadget na tulad ng desktop computer, laptop o notebook, tablet  o smartphone dahil maraming tao ang sa bahay ginagawa ang kanilang mga trabaho sa halip na sa opisina ganundin sa mga estudyante na nag-aaral sa pamamagitan ng  online class.

Kaya isang abala rin sa ginagawa kung naubos na o konti na lang ang power ng baterya ng laptop at kailangan mong mag-recharge tuwing maglo-lowbat  ito. Napapahinto ka sa iyong aktibidad kapag ganap na nag-lowbat ang laptop at kailangan nang i-recharge. Makakasama naman sa baterya kung laging nakakabit ito sa recharger at sa power outlet kahit fully charged na ito.

Karaniwang isa hanggang apat o  10 oras ang itinatagal ng buhay ng baterya pagkaraang mai-recharge ito nang buo pero depende ito sa kapasidad ng baterya (mAH), sa paggamit ng laptop, at gaano na katanda ang baterya.  Nakakaubos din ng power ng baterya ang napakaraming software program na nakabukas at tumatakbo nang sabay-sabay. Nakakabawas din sa power ng baterya ang liwanag ng screen, aktibong WiFi para sa internet connection, at paglalaro ng games.

Ayon sa ilang mga eksperto, nakakatulong sa pagpapahaba sa buhay ng baterya ang pagpapabawas ng liwanag ng screen ng laptop. Nakakabawas din sa paggamit ng baterya ang agad na time out ng screen at ang pagpapa-sleep mode  sa hard drive. Tingnan sa laptop ang mga option sa pagtitipid sa baterya.

Kapag nagtatrabaho nang sagad ang laptop, mas mabilis na nauubusan ng kuryente ang baterya. Kung malayo ka sa saksakan ng kuryente, isara ang anumang program na nakabukas pero hindi naman aktuwal na nagagamit. Dapat tumagal ang baterya kapag konti lang ang mga programang nakabukas at iwasan ang mga games at video editor.

Ipinapayo rin na iwasang magbukas ng napakaraming tab sa brower nang sabay-sabay para tumagal ang baterya. Kung hindi naman kailangan, iwasan muna ang mga video streaming website dahil nakakaubos ito ng mas maraming power ng baterya. Nakakaubos din ng mas maraming power ng  baterya ang mga nakabukas na speaker na nagpaparinig ng mga kanta o kahit merong nakakabit na headphone. Kung magagawa naman, ibaba ang volume o wala na munang sound. Kung makakapagtrabaho naman sa laptop nang walang internet, isara muna ang Wi-Fi at ang Bluetooth connection na kapwa malakas ding kumain ng baterya. Mga maliliit na bagay lamang ito pero nakakatulong para mas tumagal ang buhay ng baterya.

Nakakatulong din sa pagpapatagal sa buhay ng baterya kung ang laptop ay nasa lugar na hindi masyadong mainit  at hindi masyadong malamig. Mabilis kasing makasira sa baterya ang sobrang temperature ng paligid nito.

May mga application o program din na lumilikha ng init na dapat iwasan ng baterya. Kung gagamit ng mga games at manonood ng video, ikonsiderang gumamit ng laptop cooler para mas epektibong mabawasan o mawala ang init para mas tumagal gumana ang baterya.

Bukod dito, ayon sa mga eksperto, kung hindi gagamitin nang matagal ang laptop, iwanan itong merong 50 percent charge. Kung itatago ito nang fully charged o walang ganap na power sa matagal na panahon, maaaring masira nang permanente ang baterya.

-oooooo-

Email: [email protected]

vuukle comment

GADGETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with