^

Punto Mo

EDITORYAL – Pandarambong ng LTO at DOTr

Pang-masa
EDITORYAL � Pandarambong ng LTO at DOTr

MAY nahuhukay na anomalya sa Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr) si Sen. Richard Gordon. Ito ay may kaugnayan sa procurement deal ng mga plaka ng sasakyan na nagsimula pa noong 2013 na walang appropriation. Kinukumpleto na ng Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan ang mga mahahalaga at sapat na ebidensiya para makasuhan ng pandarambong (plunder) ang mga opisyal ng LTO at DOTr sa panahon ng P-Noy administration at ng kasalukuyang administration. Sabi ni Gordon pasok sa pandarambong ang kaso sapagkat ang sangkot na pera ay nagkakahalaga ng P50 milyon. Walang nakalaang piyansa sa kasong ito, ayon sa senador.

Ayon kay Gordon, noong 2013, nilagdaan nina Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya at undersecretary for legal affairs Jose Perpetuo Lotilla ang kontrata sa joint venture PPI-JKG kahit walang awtorisasyon mula  sa Department of Budget and Management (DBM).

Noong 2014 nagbabala ang Commission on Audit (COA) sa LTO na itigil ang pakikipag-deal sapagkat labag daw sa procurement law ang kontrata.  Ayon pa sa COA, kuwestiyunable ang kontrata sapagkat wala raw itong funding at walang approval ng NEDA at DBM. Ganunman, itinuloy pa rin ng LTO ang pakikipag-deal sa consortium at nagbayad ng P340,750,000 noong Hunyo 30, 2014, at P137,151,329 noong Hulyo 14, 2014.

Noong 2016, nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court na nagpapatigil sa production ng plaka ng mga motor vehicle at motorsiklo. Hindi na naedeliber ng PPI-JKG ang mga plakang binayaran sapagkat pumasok sa ibang supplier ang LTO – ang Trojan. Hanggang ngayon, ang Trojan pa rin umano  ang nakakontrata sa LTO pero hindi pa rin naidedeliber ang mga plaka na nabayaran na noon pang 2013.

Nang maupo ang administrasyong Duterte noong 2016 at nagkaroon ng bagong pinuno ang DOTr, sinabi na sa kalagitnaan daw ng 2017 matatanggap ng mga motorista ang kanilang bagong plaka. Pero hindi pa rin natatanggap ng mga motorista ang binayarang plaka.

Sabi ni Gordon, malaking pera ang sangkot sa anomalya ito ng LTO at DOTr at ito ang kanyang pagkakaabalahan ngayon.

Harinawang maimbestigahan agad ito at sana maparusahan ang mga nagkamal ng pera. Sandamukal na pera ito na galing sa motorista. Inagaw mula sa kanila ng mga masisibang buwaya.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with