^

Punto Mo

EDITORYAL - Buksan ang sinehan kapag marami nang nabakunahan

Pang-masa
EDITORYAL - Buksan ang sinehan kapag marami nang nabakunahan

NOONG una pa, tutol na ang Metro Manila mayors­ sa plano ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na buksan ang mga sinehan at arcades. Pero hindi nasawata ang plano ng IATF at binuksan nga noong Pebrero 15 ang mga sinehan at arcades. Hindi lamang mga sinehan ang binuksan kundi pati driving schools, libraries, archives, museums at mga accre­dited establishments ng Department of Tourism (DOT), gaya ng parks, theme parks, natural sites, historical landmarks at iba pang tourist attractions. Pinayagan din ang religious activities na madagdagan ang sitting capacity mula 30 percent sa 50 percent. Nilinaw naman ng IATF na ang pagbubukas sa mga nabanggit ay para sa mga lugar na nasa general community qua­rantine (GCQ). Layunin ng pagbubukas sa establishments na gumalaw ang ekonomiya. Walang nagawa ang Metro Mayors sa pasya ng IATF.

Pero noong Sabado, nagpasya ang Metro Mayors­ na kanselahin ang operasyon ng mga sinehan at amuse­ment arcades. Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na ilang linggo. Sabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, temporary suspended muna ang mga sinehan at arcades.

Ang kanselasyon ay kasunod din naman ng iniha­yag ng Department of Health (DOH) na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakaraang linggo. Siksikan umano sa ospital ang mga pasyenteng may COVID. Wala naman daw wave o surge sabi ng DOH. Tumaas daw ang bilang dahil marami ang hindi sumusunod sa health protocol. Sa pinakahuling report ng DOH umabot na sa 594,412 ang kaso ng COVID sa bansa.

Hindi pa talaga dapat buksan ang mga sinehan at arcades. Tama ang Metro Manila mayors sa pagkansela sa mga ito. Lalaganap ang virus kapag hinayaan ang operasyon. Kapag dumami ang kaso, tiyak magla-lockown at balik sa hirap ang lahat.

Malapit na namang magkaroon ng mass vaccination na ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. ay Abril o Mayo. Isang buwan na lang ang ipaghihintay. Hintayin na munang mabakunahan ang nakararami para makasigurong wala nang hawahan. Huwag magmadali. Kapag nakapagbakuna na, saka i-open ang mga sinehan, arcades at iba pang establisimiento.

vuukle comment

DOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with