^

Punto Mo

Pangamba sa bakuna napapawi na nga ba?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA pagkalat na sa buong mundo ng iba’t ibang klase ng bakuna laban sa COVID-19, merong mga nagpaturok na o handa pa lamang magpaturok pero marami rin ang nangangamba  o natatakot sa posibleng side effect nito. Dito man sa atin, maraming Pilipinong tumatangging magpabakuna bagaman marami rin ang nagpaturok na.

Gayunman, ayon sa isang bagong survey, lumalaki na ang kumpiyansa sa bakuna laban sa COVID-19. Dumarami na ang mga taong gustong magpabakuna. Kasabay nito, napapawi na ang mga pangamba sa posibleng masamang epekto nito sa kalusugan.

Labing-apat  na bansa ang sinaklaw ng survey na ginawa noong Pebrero 8 hanggang Pebrero 21 ng Institute of Global Health Innovation ng Imperial College of London at ng polling firm na YouGov, ayon sa isang wire report.  Sa 14 na ito, siyam ang tumaas ang kumpiyansa sa bakuna. Kabilang dito ang France, Japan at Singapore na naunang napaulat na mababa ang kumpiyansa sa bakuna.

Lumabas din sa survey na nawawala na ang pangamba sa side effect ng  bakuna sa mayorya ng mga bansang saklaw ng survey. Wala pa umano sa kalahati (45%) ng mga respondent ang nagpahayag ng pagkabahala.

Sinaklaw ng survey ang mahigit 13,500 mamamayan sa  Australia, Britain, Canada, Denmark, France, Germany, Israel, Italy, Japan, The Netherlands, Norway, Singapore, South Korea, Spain at  Sweden.

Gayunman, dito sa atin sa Pilipinas, batay sa isang survey kamakailan, iba naman ang isyu na patungkol naman sa klase o brand ng bakuna. Marami ang ayaw sa bakuna na nagmumula sa China. Mas nais nila ang gawa sa  Amerika o Inglatera o Alemanya. Gayunman, may mga nagpaturok pa rin sa bakuna na galing China.

Pero dapat bang isyu ang pagpili kung anong brand ng  bakuna ang dapat tanggapin? Andiyan ang Moderna halimbawa, bakuna ng Pfizer at AstraZeneca, Sinovac, SinoPharm, Johnson&Johnson at Gamaleya ng Russia. Gayunman, sinasabi ng ilang eksperto na lahat ng naglabasang bakuna ay ligtas at epektibo. Hindi problema kung anong bakuna ang dapat iturok sa isang tao. Mas mainam ito kaysa hindi maturukan.

Ayon kay Susan Kaech, professor at director ng NOMIS Center for Immunobiology and Microbial Pathogenesis,  merong dalawang pakinabang sa pagpapabakuna. Anumang awtorisadong bakuna ay  makapapangalaga laban sa malubhang kaso ng COVID. Karamihan anila ng mga bakuna ay pumipigil na mailipat ang sakit bagaman hindi pa mabatid kung alin man sa mga bakunang ito ay makakapigil na mahawa ang mga tao at maipakalat ang virus.

Gayunman, mabuting bagay din ayon kay Kaech na maraming nagawa at ineksperimentuhang bakuna. Kung iba’t iba ang bakuna, mababawasan ang presyur sa mga manufacturer at distributor ng bakuna dahil sa pagdagdag ng mga maaaring magamit.

Idinagdag pa ni Kaech nakung sa pagtatapos ng isang taon ay meron nang 10 bakuna na nakakapagbigay ng proteksyon, mahalaga ito para maging madali ang pamamahagi nito sa buong mundo.

Email: [email protected]

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with