^

Punto Mo

‘Andun ako sa EDSA, 35 years ago…

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGTATRABAHO ako sa Batangas bilang researcher ng isang government agency noong 1986. Isang araw ng Linggo, buwan ng Pebrero ay kasalukuyan akong nagsisimba nang biglang may ini-announce ang pari: “Ang sino mang nais sumama sa EDSA ay magpalista lamang sa opisina ng kura paroko. Walang gagastusin dahil libre ang pagkain at libre ang sasakyan.” Later on, nalaman namin na mga mayayamang negosyante ang nag-finance sa lakad na iyon. Sanay sumama sa mga rally ang aking mga kasamahang researchers kaya napasama na rin ako. First time kong makiki-rally.

Hindi ko na matandaan kung ika-ilang araw na iyon ng pagra-rally ng mga tao sa EDSA simula nang manawagan si Cardinal Sin sa radyo. Basta’t natatandaan ko’y bandang hapon na kami dumating sa EDSA mula sa Batangas.

Sa tapat pa lang ng POEA ay makapal na ang mga tao. Gustuhin man naming pumunta sa tapat ng Camp Crame ay imposible nang makarating doon.

Kahit hindi pala kami magbaon ng pagkain ay hindi kami gugutumin dahil bumabaha ng libreng pagkain sa EDSA. May pila sa malamig na tubig. May pila sa kapeng mainit. May pila sa kanin at ulam. May mga taong naglilibot at nagbibigay ng kendi.

Lahat ng tao noon sa EDSA ay pulos mababait. Lahat ay nagpipilit may maiambag para sa ikapagtatagumpay ng ipinaglalabang prinsipyo.

Kinagabihan, sa gitna ng pagrorosaryo sa lugar kung saan ngayon nakatayo ang EDSA Shrine ay biglang ini-announce na umalis na ang pamilya Marcos sa Malacañang. Hindi ko mailarawan ang katuwaan ng mga taong nasa paligid ko.

Nanindig ang aking mga balahibo nang biglang magsigawan ang mga tao ng CORY! CORY! CORY! Kasunod noon ay pumailanlang ang kantang Bayan Ko.

May nakita pa akong mga matatandang babae na nag-iyakan sa sobrang galak. For the first time in my  life, noon ko lang naunawaan ang malalim na ibig sabihin ng pagkamakabayan.

Tama si Ninoy — the Filipino is worth dying for! Hanggang ngayon, pinaniniwalaan ko pa rin ‘yun.

 

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with