^

Punto Mo

Hindi lang si Duterte, marami na ang naiinip sa bakuna!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong araw posibleng ihayag na ni Pangulong Digong ang magiging quarantine status  na ipapatupad sa Metro Manila o sa  buong bansa.

Inaasahan at malamang na aprubahan ng Pangulo ang naging rekomendayon ng Metro Manila mayors at ng IATF na ilagay na ang NCR sa modified general community qua-rantine (MGCQ) simula sa Marso.

Base naman din ito sa rekomendasyon ng NEDA na isailalim na ang buong bansa sa MGCQ para tuluyang magbukas ang ekonomiya.

Sa ilalim ng MGCQ marami ang mga magiging pagbabago. Magkakaroon ng mga kaluwagan.

Sa Marso rin magbubukas na ang mga sinehan na naunang pinayagan.

Ngayon nga inirekomenda na rin ang face-to-face classes.

Nilinaw naman ng Malacañang na sakaling umarangkada na nga ang ito, limitadong oras ang ipapatupad na hindi katulad noon sa mga regular classes. May kombinasyon pa rin ito ng module at online classes.

Ang Pinas na lang umano ang bansa na hanggang ngayon ay walang face-to-face classes.

Base raw sa pag-aaral sa ibang mga bansa na nagsagawa na ng mga face-to-face classes hindi umano ito ang dahilan sa pagtaas ng kaso ng COVID.

Eh baka nga na tayo na lang ang bansa na hindi nagsasagawa ng face-to-face classes, eh kasi naman mukhang tayo na lang ang hindi pa nagsisimula ang bakunahan.

Marami na rin ang naiinip sa bakuna, maraming petsa na ang inihayag, maraming beses namang hindi natupad.

Maging si Pangulong Digong naiinip na sa bakuna.

Aba›y kung hihintayin natin ang pagdating nito at pagsisimula ng pagbabakuna bago magluwag sa quarantine, eh baka nga tuluyan nang malugmok ang ekonomiya.

Kaya nga marami na rin ang sumusuporta na luwagan na ang restrictions kahit wala pa ang bakuna.

Ang tanong nga lang, kailan pa talaga makapagsisimula ang bansa sa pagbabakuna.

Nakahanda na ang lahat, vaccine na lang wala.

Anong petsa na?

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with