^

Punto Mo

Pag-rescue sa Lumad ‘child warriors’, ‘di peke! – Sinas

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI gawa-gawa lang o peke ang pag-rescue ng kapulisan sa 19 Lumad minors sa isang retreat house ng unibersidad sa Cebu ng nakaraang linggo dahil umaksiyon lang sila sa reklamo ng mga magulang ng mga ito, ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas.

Iginiit ni Sinas na hindi na sasagutin ng PNP ang mga pa-tutsada ng mga grupo na komokontra ng kanilang raid subalit ipinangako niya na handa silang sumagot sa tamang “forum.” idinagdag pa ni Sinas na umaksiyon lamang ang kapulisan sa reklamo ng magulang ng anim na nailigtas na Lumad minors, na kinidnap ng CPP-NPA sa Davao del Norte at dinala sa Cebu para turuan na maging “child warriors”.

Kinasuhan na ng PNP ng kidnapping with serious illegal detention at human trafficking ang dalawang Datu, dalawang titser at tatlong may edad na Lumad teachers at inutusan sila ni Cebu Inquest prosecutor Grazielynne Corpuz na magsumite ng kanilang counter affidavit sa loob ng 15 days. Ayon kay Sinas, ibinase ng PNP sa ebidensiya ang kanilang kaso at hindi gawa-gawa o peke lang ito kaya handa silang idepensa ito sa korte. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Binisita ni Sinas ang 19 na nailigtas na Lumad minors at kanilang mga magulang noong Biyernes at sinisiguro niya na uusad ang kaso laban sa mga suspect.
Ang mga Lumad minors ay kinuha ng mga CPP-NPA sa Salugpungan Ta Tanu Igkanogon noong 2018 na walang pahintulot sa kanilang mga magulang, ayon kay Sinas. Sa 19 na nailigtas na Lumad students, siyam ang taga-Talaingod Davao del Norte, lima ang taga-Sultan Kudarat, at ang isa taga-Zamboanga. Inamin naman ng mga magulang na pinapirma sila sa isang kasulatan bago kunin ang mga anak nila subalit, ayon sa kanila, hindi nila naintindihan ang nakasaad dito.

Matatandaan na may 55 eskuwelahan ng Salugpungan, isang alternative learning hub na pinapatakbo ng CPP-NPA, ang ipinasara ng Depatment of Education noong 2019 bunga sa ilang violations tulad ng pag-relocate ng mga estudyante sa malayong lugar na walang pahintulot sa kanilang mga magulang.

Napag-alaman kasi ng DepEd na ang mga titser sa Salugpungan at hindi lisensiyado at inooperate ito sa loob ng ancestral domain ng tribal communities na walang mandatory Free and Prior Informed Consent (FPIC) at certification ng National Commission on Indigenous Peoples. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hindi lang naman mga Lumad ang tinatarget ng PNP at AFP na iligtas sa kamay ng mga CPP-NPA kundi maging ang mga katutubong Mangyan. Mismoooo! 
Sinabi naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana na pagdating sa kapakanan ng kabataang Lumad o iba pang Indigenous People (IP) «all out» ang PNP na tulungan ang mga ito, lalo na sa mga nagsasamantala sa kanilang karapatan. Ani Usana, hindi hahadlang ang PNP sa plano ng Commission on Human Rights na imbestigahan ang kaso, dahil ang interes lang ng mga Lumad minors ang nasa isipan ng kapulisan at wala ng iba pa.

Kung may kabataang IPs na patuloy na nire-recruit ng PNP bilang «child warriors» hindi magdadalawang isip ang PNP na iligtas sila base sa reklamo ng kanilang mga magulang, ani Sinas. Kaya ang payo ni Sinas sa mga IPs diyan, bantayan ang inyong mga anak para maiwasang ma-recruit sila ng CPP-NPA! Abangan!

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with