^

Punto Mo

Driver sa Thailand, instant milyonaryo matapos makakuha ng mamahaling perlas sa inulam nilang kabibe!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI akalain ni Monthien Chansook, isang truck driver mula sa Chonburi Province sa Thailand na ang binili niyang kabibe sa palengke para lutuin at gawing ulam ng kanilang pamilya ay may lamang perlas na nagkakahalaga ng milyong dolyar!

Ayon kay Chansook, nabili niya ang kabibe sa Sri Racha Laem Chabang seaport sa halagang 50 baht.

Ang perlas ay nadiskubre ng kanyang anak matapos hiwain ang nalutong laman nito para paghatian nilang pamilya.

Nagulat na lamang sila nang may mahulog na naninilaw na makinis na perlas mula sa kabibe.

Dahil nagandahan sila sa hitsura nito, agad nilang ni-research sa Google kung ano ito at nagkaroon sila ng hinala na isa itong mamahaling Melo pearl.

Matapos humingi ng tulong sa local media, naki-pag-ugnayan sila sa National Gem and Jewelry institute, at napag-alaman na isa itong genuine Melo pearl na may bigat na 65.57 carats.

Ayon sa institute, dahil napa-kabihira ng perlas, nagkakahalaga ito ng $17,000 per ca-rat kaya maaaring kumita si Chansook ng mahigit sa $100,000,000.

Nagpapasalamat si Chansook sa kanyang asawa dahil ito ang nag-utos sa kanya na mamalengke ng kabibe dahil matagal na nitong gustong mag-ulam ng seafood.

vuukle comment

THAILAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with