^

Punto Mo

EDITORYAL - Palalimin ang Marikina River at ipatigil ang quarrying

Pang-masa
EDITORYAL - Palalimin ang Marikina River at ipatigil ang quarrying

NGAYONG araw na ito sisimulan ng Department of  Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalalim (dredging) sa Marikina River. Sabi ni DENR Sec. Roy Cimatu, ang Task Force Build Back Better ang magsasagawa ng dredging. Itinatag ang task force makaraan ang malawakang pagbaha sa Marikina at iba pang siyudad sa Metro Manila noong nakaraang Nobyembre 2020. Ayon kay Cimatu, uumpisahan ang dredging sa malapit sa Marcos Highway sa Bgy. Calumpang.

Itinuturo na ang mababaw na Marikina River ang dahilan ng pagbaha hindi lamang sa Marikina kundi pati na rin sa Quezon City, Pasig, at ibang bayan sa Rizal. Taun-taon ay lagi nang may pagbaha sa Marikina. Pinakamatindi ang pagbahang naranasan noong 2009 nang manalasa ang Bagyong Ondoy. Maraming residente ang nag-akyatan sa bubong ng kanilang bahay. Madali nang umapaw ang Marikina River kaya apektado ang mga nakatira malapit sa ilog. Dapat nang hukayin ang ilog para hindi lumubha ang baha.

Maaring ang kababawan ng Marikina River ang dahilan nang pagbaha pero dapat ding tingnan ng DENR ang talamak na quarrying sa Rizal. Ayon sa report, maraming quarrying companies ang nag-o-operate sa Rizal at ilan dito ay pag-aari ng pulitiko. May quarrying sa mga bayan ng Rodriguez (dating Montalban), Antipolo City, Baras at Tanay. Noong 2018, inireklamo na sa DENR ang mga quarrying companies sa Rizal dahil sa pagbaha rin sa Marikina at Taytay subalit wala umanong ginawang aksiyon ang departamento. Dumaan lang umano sa kanang taynga at lumabas sa kaliwa ang reklamo.

Hiniling umano ng grupong Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) kay DENR Sec. Roy Cimatu na itigil ang lahat nang quarrying operations sa Rizal pero patuloy pa rin ang mga ito. Maski ang mga residente ng Taytay ay umapela na rin kay President Duterte na ipatigil ang quarrying operations sapagkat apektado sila kapag umapaw ang Marikina River.

Pinalalalalim na ng DENR ang Marikina River. Magandang hakbang ito at maaaring masolusyunan kahit paano ang pagbaha sa Marikina. Pero mas magiging epektibo at maaaring solusyon sa pagbaha ang pagpapatigil sa mga nagku-quarry sa Rizal.

vuukle comment

MARIKINA RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with