^

Punto Mo

Pundasyon ng CPP-NPA, gumuguho na?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

GUMUGUHO na ang pundasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) at dapat maalarma na ang founder nito na si Jose Ma. Sison. Kaliwa’t kanan kasi ang pagkahuli ng CPP-NPA members na may arrest warrants at marami na sa hanay nila ang sumuko sa pamahalaan kung saan binigyan sila ng pangkabuhayan para makapagbagong buhay. Hindi lang ‘yan! May mga lider din ng ilang grupo na kaanib ng CPP-NPA ang namatay sa engkuwentro o robbery kaya lumikha rin ito ng leadership vacuum dahil walang gustong pumalit sa kanila dahil tiyak No. 1 sila na target ng PNP at AFP. Get’s n’yo mga kosa?

Sa totoo lang, may nagaganap ding engkuwentro sa pagitan ng militar at kapulisan subalit sa kasamaang palad, palaging ang CPP-NPA ang nalalagasan dahil no match na ang lumang armas nila sa makabagong armas at communication equipment ng tropa ng pamahalaan. At higit sa lahat, hinigpitan na ng AMLC ang mga hinihinalaang pondo ng CPP-NPA kaya kapag mabawasan ang pitsa na pinapadala kay Sison sa Netherlands, tiyak bawas din ang paglustay niya ng revolutionary tax sa kanyang recreation tulad ng pag-videoke kasama ang mga magagandang dilag. Araguuyyyyy! Hak hak hak!

Kaya iindahin talaga ng CPP-NPA ang gobyerno ni President Digong lalo na’t nais ng huli na i-serve ang lahat ng arrest warrants ng mga lider at miyembro nito, lutang man o nasa underground. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang pinakamatinding dagok na dumating sa CPP-NPA ay ang pagkaligtas ng 19 menor-de-edad sa retreat house ng San Carlos University sa Cebu City noong Lunes. Pitong suspects ang inaresto ng mga police raiders. Ang minors, na ang edad ay 16 o 17, ay halos dalawang taon na napawalay sa kani-kanilang magulang sa Talaingod, Davao del Norte. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na ang minors, na mga estudyante ng Salungpungan Ta Tanu Igkanogon, ay dinala sa Cebu kung saan, ayon sa mga na-rescue, ay naging biktima sila ng incdoctrination at exploitation.

Sinabi ng mga bata na ginagamit sila sa mga protest rally laban sa gobyerno at nanghihingi din ng donasyon bilang IP minors. Ang Salugpungan ay isang alternative learning institution na pinapalakad ng CPP-NPA sa Davao del Norte subalit pinasara ng DepEd dahil sa pag-operate na walang permit at pagiging breeding ground ng communist recruitment ng minors, ani Sinas. Araguuyyyy! Hak hak hak! Dahan-dahan ding nahuhubaran ng maskara itong mga eskuwelahan ng CPP-NPA, di ba mga kosa? Boom Panes!

Maging ang police raiders ay napaiyak nang magyakapan ang anim na magulang na sumama sa kanila at ang kanilang mga anak na nahiwalay sa kanila mula pa noong 2018. Sa ngayon, ang minors ay nasa custody ng DSWD sa Cebu kung saan sila ay ipinasailalim sa psycho-social assessments bunga sa kanilang traumatic experiences sa kamay ng communist cadres. Samantala, piniprepara naman ng pulisya ang samu’t saring kaso laban sa suspects. Araguuyyyy!

May ilang pulitiko naman na nanawagan na pakawalan na ang mga bata kaya lang baka mamaos na sila sa kasisigaw ay hindi sila pakinggan ng mga bataan ni Sinas hanggang hindi maging kumpleto-rekado ang kaso vs suspects. Abangan!

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with