^

Punto Mo

Pinakamabigat na singkamas sa mundo, 30 kilos ang timbang!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG magsasaka sa Canada ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record nang nakapagpatubo siya ng singkamas sa kanyang garden na halos umabot sa 30 kilos ang bigat.

Ayon sa taga-Quebec na si Damien Allard, nagsi-mula siyang asamin ang world record noong 2016 nang nakapagpatubo siya ng singkamas na pitong kilo. Sinaliksik tuloy niya kung ano ang timbang ng pinakama­bigat na singkamas sa mundo at nalaman niyang nasa 17 kilos lang pala ito at hindi pa ito nahihigitan simula noong 2004.

Ayon kay Allard, may tatlo na siyang singkamas na napatubo nitong nakaraang taon na higit na mas mabigat sa kasalukuyang world record holder. Isa ay may bigat na 23 kilos, ang isa ay halos 25 kilos at ang pangatlo ay ang pambato niyang 29 kilos na inaasahan niyang kikilalanin ng Guinness bilang pinakamabigat sa buong mundo.

Noon pang Nobyembre opisyal na tinimbang ng Guinness ang kanyang mga singkamas at ngayong linggo ay kinumpirma na nila na world record holder na si Allard at ang kanyang singkamas.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with