^

Punto Mo

Opisyal ng PNP, dapat mamuno sa Customs!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

Sangkatutak na drug pushers na ang naaresto at bilyones na droga ang nakumpiska ng mga ahensiya ng gobyerno ni President Digong subalit marami pa ring shabu at marijuana ang nagkalat sa kalye. Sa totoo lang, hindi naman nagpabaya ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation para ipatupad ang war on illegal drugs ni President Digong. Kaya ang malimit na tanong ng mga kosa ko, saan nanggagaling ang droga na haya­gang pang nilalako sa kalye?

Maliban sa marijuana eh may taniman dun sa Cordillera Region subalit palagi namang nagri-raid ang mga awtoridad dun at maraming tanim ang na-uproot. Sa parte naman ng shabu, sinabi ng PDEA na wala ng shabu laboratory sa bansa. Saan lumusot itong shabu kung ganun? Marami ang nakatingin sa Bureau of Customs na mukhang walang iniambag sa kampanya laban sa droga ni President Digong.

Kung sabagay, si Customs Commissioner Leon Leonardo Guerrero ay dating AFP chief at bihasa sa giyera subalit di sa pag-iimbestiga. Araguuyyyy!  Panahon na kaya para taga-PNP na bihasa sa imbestigasyon ang mamuno sa Bureau of Customs? Hak hak hak! Ano sa tingin mo PNP chief Gen. Debold Sinas Sir? He he he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Mabuti na lang at masipag ang mga tauhan ni Brig. Gen. Ronald Lee, ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at kaliwa’t kanan ang kanilang accomplishments laban sa drug syndicates kaya malaki ang nabawas sa droga na kumakalat sa kalye.

Nitong Pebrero 11, inaresto ng mga bataan ni Lee sina Aina Elias Maamor, alyas Uking; Sittie Ambuludto, at Michael Romualdez sa isang drug sting sa Bgy. Alapan 2, Imus, Cavite. Nakumpiska sa tatlo ang isang kilo ng shabu na nagkakahalagang P6.8 milyon, Honda Click na motorsiklo, Ford Escape (XSV 242), Samsung fone at P2,000 boodle money.

Sinabi ni Lee na ang grupo ang nasa likod ng pagpalaganap ng shabu sa Metro Manila, at PRO4-A. At ang source nila ng shabu? Ang itinuturo ay ang Intsik na si Jin Chi Chen, na nakakulong sa Bicutan City jail. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Paano naman naiparating ni Jin ang shabu shipment niya sa bansa? Mismooooo!

Ang PDEG SOU1 naman na pinamumunuan ni Lt. Col. Nestor Cusi ay inaresto ang tricycle driver na si Erwin Mariano, 21, sa Bgy. Tayabo, San Jose, Nueva Ecija at nakumpiskahan ng 55 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P6.6 milyon. Sa kanyang report kay Lee, sinabi ni Cusi na si Mariano ay nagsilbing courier ni alyas Jayson, ng Sadanga, Mountain province sa pagkalat ng marijuana sa Metro Manila, Region 2, 3, at Cordillera. Kaya ng tropa ni Sandanga na magdeliber ng 50 kilos ng marijuana sa mga buyer sa loob ng isang buwan, ani Cusi. Tsk tsk tsk!

Malaking sindikato ang nalansag ng mga bataan ni Lee, di ba mga kosa? Mismoooo! Maliban sa limang karton ng marijuana bricks, nakumpiska rin kay Mariano ang isang Isuzu dump truck (NOF 271), kalibre .22 revolver na may anim na bala, fone, radio baofing, wallet, 40 bala ng kalibre .9mm at boodle money. Mabuhay ang PDEG! Abangan!

vuukle comment

DRUG PUSHER

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with