^

Punto Mo

Bawi nang bawi!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayon dapat ang pagsisimula ng pagbubukas sa mga sinehan sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) matapos itong payagan na ng IATF.

Pero tutol dito ang mga Metro Manila mayors na nakatakda ngang iapela ang desisyon. Kabilang ang MM sa mga nasa GCQ.

Idinahilan dito ng mga alkalde na enclosed nga naman ang mga sinehan kung saan hindi lamang 30 minuto ang itinatagal ng isang pinapanood na pelikula oras ang binibilang dito na kaya may malaking tsansa nang hawaan.

Habang sinusulat ang kolum na ito wala pang pahayag dito ang IATF, kung pakikinggan ba ang apela ng mga alkalde o kung may magbubukas na ngang mga sinehan sa araw na ito.

Pero malamang na may mga patakaran na naman na nais nang ipatupad ang muling babawiin.

Mukhang nauuso o madalas ang ganitong pangyayari na bawi nang bawi.

Kamakailan inaprubahan ang pagpayag na sa mga 10-anyos na makalabas na ng bahay at payagan na ring makapasok sa mall.

Hindi pa man naipapatupad sa itinakdang araw, hindi nga ba’t binawi na ni Pangulong Digong matapos na ito ay kontrahin ng mga LGUs at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Eto na naman at baka ganito rin ang mangyari rito.

Nabatid pa sa MM mayors na hindi nagkaroon ng proper consultation tungkol dito. Sa madaling salita hindi nakuha man lang ang kanilang panig.

Ito kasi ngayon ang madalas na mangyari, at basta na lang ipapatupad nang agad-agad, ang siste kapag napansin babawiin.

Dapat napapag-aralang munang mabuti, kuhanin ang bawat punto, tutol man o hindi saka timbanging mabuti kung ano ang papabor sa nakakarami para di na bawi nang bawi.

Bagamat ang layunin nito ay tuluyang pagbubukas ng ekonomiya, bakit hindi na lang hintayin na muna na masimulan ang bakuna na palagi namang sinasabi na malapit para maiwasan pa ang paglala ng problema.

vuukle comment

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with