^

Punto Mo

2 o 1 face mask: Ano ang makabubuti?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

LUMUTANG ang isyu  ng pagsusuot ng dalawang face mask bilang  mas mabisang proteksiyon laban sa COVID-19 nang mapaulat ang pagkakaroon ng variant ng sakit na ito sa ibang bansa partikular sa United Kingdom. Dagdag pa rito ang mungkahi ng ilang dayuhang health expert sa pagsusuot ng dalawang face mask. Pero, noong huling linggo ng Enero, ipinahayag ng Department of Health na hindi na kailangan ang dobleng face mask dahil meron na namang face shield na sapat nang proteksyon laban sa COVID-19 bukod sa wala pang pruweba na mas epektibo ang  pagsusuot ng dalawang face mask.

Habang isinusulat ito, wala pang reaksyon ang DOH sa napabalitang resulta ng bagong pananaliksik ng mga researcher ng United States na nagsasaad na mas maigi kaysa isa ang dobleng face mask sa pagsawata sa pagkalat ng coronavirus. Ipinalabas nitong nagdaang linggo ng Centers for Disease Control and Prevention ng U.S.  ang resulta ng isang laboratory experiment na nagsasabing ang pagsusuot ng isang mask (surgical o cloth) ay humaharang sa 40% ng mga particle na nagmumula sa ibang tao. Kapag naman isinuot ang isang face mask na nakapatong sa isang surgical mask, 80% ang nahaharang. Kapag ang dalawang tao ay kapwa nakasuot ng dalawang face mask, mahigit 95% ng mga particle o virus ang nahaharang.

Pero, sabagay, dahil dito sa Pilipinas ay mandatoryo na ang pagsusuot ng face shield at face mask, baka nga hindi na kailangan pang magdagdag ng isa pang face mask. Sabi nga noon ng DOH, ang paggamit ng face mask na nagbibigay ng 60 hanggang 70 porsiyentong proteksiyon at ng face shield at pagsunod sa social distancing ay nagbibigay sa atin ng 99% proteksiyon sa COVID-19.  May mga umaangal nga na hindi sila gaanong makahinga sa face mask kaya paano na kung dalawang face mask pa ang isusuot nila bukod sa meron pa silang suot na face shield?  Pahirapan din sa pakikipag-usap sa ibang tao dahil hindi mo minsan  gaanong maintindihan ang sinasabi ng  iyong kausap na nakamaskara ang bibig at nakasuot ng  face shield kaya.

Sa ibang bansa tulad sa U.S., meron na ring nagsusuot ng dalawang face mask pero hindi naman obligado ang mga tao roon na magsuot ng face shield.

Gayunman, hindi na rin naman masama ang pagsusuot ng dobleng face mask kung dagdag na proteksyon ito laban sa virus. Madadagdagan pa ang kita ng mga nagbebenta ng face mask.  At  tila matatagalan pa ang pagsusuot natin ng face mask kahit meron nang bakuna laban sa COVID-19.

Email: [email protected]

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with