^

Punto Mo

‘Secret marshals’ vs tandem criminals!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila na mayroon pang pandemya at hindi pa lubos na nakababalik sa normal ang takbo ng buhay ng karamihang bansa, hindi naman napaaawat ang sinasabing mga riding-in-tandem criminals sa kanilang mga aktibidades.

Sa mga nagaganap na krimen sa mga lansangan, asahan na karamihan dito ay gawa ng tandem criminals.

Paliwanag nga rito, dahil kasi ang motorsiklo ang mabilis na gamit sa pagtakas ng mga kawatan at kriminal.

Kahit sa mga suluk-sulok nakakalusot, kaya madaling mawala sa paningin ng mga humahabol na operatiba.

Matagal na ring nagiging suliranin ang mga tandem criminals na mula sa simpleng pang-iisnatch, panghoholdap, pagnanakaw hanggang sa sinasabing mga hired killers.

Ito ang dahilan kaya nais na panumbalikin ng pamunuan ng PNP ang ‘secret marshals’ at ang tactical motorcycle riding units na ipanlalaban sa mga tandem criminals.

Kung sasabayan nga naman ng mga de-motorsiklo ring police operatives ang mga tandem criminals madali itong mahuhuli.

Yung nga lang dapat talaga ikalat sila sa lansangan at laging alerto at nakamasid partikular sa mga estratihikong lugar.

Mapapalakas din nito ang police visibility na isang  panlaban sa mga nagbabantang kawatan o kriminal na makapaglunsad ng kanilang aktibidades. 

Gayunman base sa tala ng PNP, bumaba sa  46 percent o 21,729 ang crime rate sa bansa  mula Marso hanggang Oktubre 2020 sa kasagsagan ng quarantine. Pero mas lalo dapat itong masustenahan dahil na nga sa unti-unting pagluwag ng quarantine restriction sa malaking panig ng bansa.

Bukod dito, dapat na rin marahil na palakasin pa pagbabantay lalu na sa lebel ng mga barangay para hindi malusutan ng mga kawatan.

Malaking bagay ang matinding pagmomonitor ng mga barangay officials para malabanan ang anumang uri ng krimen sa kani-kanilang lugar.

Sila kasi ang mas nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan at kung may maliligaw man madali nila itong mamomonitor at maipagbigay-alam sa mga kinauukulan.

Tulungan ang kailangan at hindi dapat paligsahan, para krimen ay malabanan

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with