^

Punto Mo

Ang kamay ni Inay (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KINABUKASAN, muling humarap sa interbyu ang aplikante. Ang company director pa rin ang nag-interbyu sa kanya.

“Ano ang nangyari pag-uwi mo sa inyong bahay?”, tanong ng director.

“ Kagaya po ng iyong instruction, hinugasan ko ang kamay ng akin ina. Habang hinuhugasan ko ang kanyang kamay ay napansin ko po…”

Saglit na tumigil ang lalaking aplikante. Gumaralgal ang tinig nito, halatang pinipigil na bumuhos ang emosyon. Pinatatag ng aplikante ang kanyang tinig at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

“Napansin ko po na sugat-sugat ang kanyang mga palad at hindi na makontrol ang panginginig nito. Nang itanong ko kung anong nangyari sa kanyang kamay ay nalaman kong naging pasmado na ang kanyang kamay dahil sa paglalaba…”

Tuluyan nang napahagulgol ang binata.

“Nang oras na iyon ay natutuhan ko pong bigyang halaga ang pagsasakripisyo ng aking ina para lang ako mapag-aral. Naisip ko rin po na hindi dapat sinosolo ng aking ina ang pagtatrabaho. Nagiging magaan po ang isang mabigat na trabaho kung pagtutulungan namin ito. Hindi ko ipagpapalit ang aking ina sa anupaman kayamanan sa mundo.”

Ngumiti ang company director. “Alam mo, ang hinahanap kong magtatrabaho sa kompanyang itinayo na aking mga magulang ay isang taong marunong magbigay ng importansiya sa tulong na ibinigay sa kanya, isang taong binibigyang halaga ang sakripisyong ginawa ng kanyang kasamahan upang matapos lang ang kanilang trabaho. Kapag marunong tumanaw ng utang na loob ang isang empleyado, malaki rin ang tsansa na nagtatrabaho siya hindi lang para sa pera kundi upang iambag ang kanyang talent para sa ikapagtatagumpay ng buong kompanya.”

Kinamayan ng director ang aplikante. “You’re hired!”

“The only people with whom you should try to get even are those who have helped you.” –John E. Southard

vuukle comment

COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with