^

Punto Mo

Kasal sa India, isinagawa sa ilalim ng tubig!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Philstar.com

KAKAIBANG social distancing ang ipinatupad sa isang kasal sa India matapos itong idaos 60 talampakan sa ilalim ng tubig.

Ikinasal sina V. Chinnadurai at S. Swetha kamaka-ilan sa ilalim ng dagat malapit sa Neelankarai, India.

Bago idaos ang kanilang kasal, kinailangan pang siguraduhin ng kanilang support team na sapat ang pagiging kalmado ng dagat para rito.

Ayon sa bagong kasal, tradisyunal pa rin naman ang ginawa nilang pag-iisang dibdib at ang tanging naiba lang ay ang pagdaraos nito sa ilalim ng dagat.

Ginawa nila sa ilalim ng tubig ang lahat ng sere­monya ng isang tradisyunal na Indian wedding kabilang na ang pagpapalitan ng mga kuwintas ng bulaklak.

Matagal nang lisensiyadong diver ang groom na si Chinnadurai, samantalang ang bride naman niyang si Swetha ay isang buwan pa lang natututong mag-scuba.

Ayon kay Swetha, nagpasya na rin siyang ituloy na ang kasal kahit siya’y kabado pa ring mag-dive, lalo na’t isang linggo na nilang hinihintay na ku-malma ang dagat at maging ligtas ito para sa kanilang kasal.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with