^

Punto Mo

Peryahan ng Bayan, di saklaw ng PCSO! —Garma

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI saklaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang palaro ng Peryahan ng Bayan (PnB) na nagsulputang parang kabute sa mga probinsiya, ani PCSO General Manager Royina Garma. Sinabi ni Garma na ang PCSO ay natsa-challenge dito sa patuloy na operation ng PnB. Ang paglilinaw ni Garma ay ginawa niya sa isang press briefing sa PCSO headquarters sa Shaw Blvd., sa Mandaluyong City noong Lunes.

Tinanong kasi si Garma kung ano ang kasalukuyang status ng PnB at ipinaliwanag niya na maging siya ay nalilito rin sa kaso ng huli. Ipinaliwanag ni Garma na naging probationary gaming product ng PCSO ang PnB noong 2019 subalit hindi na naging regular dahil inabot ito ng pandemya. Nagbukasan na ang ibang gaming products ng PCSO subalit iginiit ni Garma na wala pang kautusan ang PCSO na magbukas na ang PnB ng kanilang palaro. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hayan mga kosa maliwanag pa sa sikat ng araw ang paliwanag ni Garma. Mismooooo!

Ayon kay Garma, ang PnB ay naging gaming product ng PCSO noong ‘50’s pa subalit probationary lang hanggang na-terminate ito. Siyempre, inilaban ng mga opisyales ng PnB ang termination order ng PCSO at maraming nangyari, ani Garma. Subalit nang maupo siyang general manager ng PCSO, hindi agad nakakilos si Garma laban sa PnB dahil may ipinakita itong status quo ante order galing sa Court of Appeals (CA). Inutusan ng CA ang PCSO na magkaroon ng arbitration at i-discuss ang mga idle issues na iniungkat tungkol sa termination ng palaro ng PnB.

Kung sabagay, ang PnB ay kabilang pa sa gaming products ng PCSO noong 2019 kung saan sila ang pinakakulelat sa remittance sa ahensiya ng gobyerno. Subalit puwedeng patawarin muna ang PnB dahil nakasama sila sa listahan ng gaming products mga ‘Ber months pa lang, di ba kosa ko d’yan sa Merpo? Hak hak hak! Masalimuot pala itong kaso ng PnB, ‘no mga kosa?

Sinabi pa ni Garma na ang unang kautusan ng CA, tulad ng pagpadala ng representante sa PnB operations, ay sumunod sila. “Sa second order, we were not able to comply, so, the (PCSO) board decided not to send representative and aside from that, the president has to also include order for the resumption, so that, we cannot issue, because the court does not write to recommend for the peryahan games not be lifting its suspension,” ang pahayag pa ni Garma.  

Ang dagdag pa ni Garma, “So, for now, we did not issue an order that they can resume, but they are, I think, operating on the basis that they have the court order. So, ‘yun yung medyo challenge po sa Peryahan ng Bayan.” Araguuyyyy! Hak hak hak!

Malinaw na malinaw ang paliwanag ni Garma kaya hindi dapat sisihin ang PCSO sa patuloy na operation ng PnB sa mga probinsiya. Mismoooo!

Kaya ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko, kung hindi saklaw ng PCSO ang operation ng PnB, anong ahensiya ng gobyerno ang nagre-regulate sa palaro nila? Ang Court of Appeals ba? Nagbabayad kaya ang PnB ng kaukulang tax sa gobyerno ni President Digong? Araguuyyyy! Abangan!

 

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with