^

Punto Mo

11 bansa nakaligtas sa COVID-19

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MERON ding mga bansa na nakaligtas sa pandemya. Ayon sa ulat ng Star na lumabas din sa New York Post, 11 bansa sa South Pacific ocean ang hindi napasok ng coronavirus mula nang kumalat noong Disyembre 2019.

Kabilang sa mga bansang ito ang Cook Island na merong 17,000 populasyon. Nakagawa  agad sila ng mga kaukulang pag-iingat tulad ng pagpapasara sa mga eskuwelahan. Hinimok nila ang mga mamamayan na sumunod sa social distancing.

Sa Tuvalu na may 11,500 populasyon, isinara agad nila ang mga border at ipinatupad ang dalawang linggong quarantine sa mga papasok sa kanilang bansa.

Wala ring nahawahan ng COVID sa Niue na merong populasyon na 1,624.

Sa Tonga na merong 104,000 populasyon, ipinagbawal agad nila ang pagpasok ng mga cruise ship at ang pagbibiyahe sa ibang bansa.

Walang naitalang kaso ng COVID sa Pitcairn Island na may 50 ang populasyon.

Sinuspinde agad ng Palau (17,900 ang populasyon), ang lahat ng mga biyahe at nagpatupad ng mahigpit na quarantine para sa kanilang mga mamamayang umuuwi mula sa ibayong-dagat.

Walang kaso ng COVID sa Nauru na isa sa pinakamahirap na bansa sa mundo at merong populasyon na 12,700.

Kaunti ang mga eroplanong pumapasok sa Kiribati na merong populasyon na 116,000 kaya madali para rito ang magpatupad ng travel ban.

Malaya rin sa COVID ang Tokelau na may populasyong 1,411 at matatagpuan sa pagitan ng Hawaii at New Zealand.

Sa Micronesia na may populasyon na 112,000, maaga nitong ipinagbawal ang pagpasok ng mga eroplano at barkong nagmumula sa ibang bansa. Ang mga pasaherong dumating ay pinagbawalang bumaba.

Wala ring kaso ng COVID sa Turkmenistan na 5-milyon ang populasyon.

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with